PAANO KA MAGKAKAPAG-ASTRAL TRAVEL

214

Karaniwan sa atin ang makaranas ng astral traveling o ang tinatawag na out-of-body-experience (OBE). Lahat tayo ay nakararanas nito sa isang punto ng ating buhay, bagama’t hindi lamang aware ang ilan na sila ay nakararanas nito, o kaya ay ipinagpapalagay lamang na ito ay bahagi ng kanilang panaginip.

Kadalasang nagaganap ang astral traveling kapag tayo ay nasa alpha state, o sa pagitan ng pagtulog at gising na kamalayan. Ang astral traveling ay maaaring sadyang gawin sa tulong ng ilang technique at tamang pag-eensayo.

Madalas akong makaranas ng astral traveling. Bata pa lang ako ay nakakapag-astral travel na ito. Bago ako mag-out-of-the-body, nakakaramdam ako ng matinding kilabot. Pakiramdam ko ay may mga karayom na tumutusok sa buo kong katawan. Pagkatapos nito ay mararamdam ko ang matinding puwersa na magpapalutang sa akin.

Nakakatakot ang proseso. Kahit matagal na akong nakakapag-astral travel ay hindi pa rin nawawala ang panghihilakbot sa akin.

Kapag ako ay out-of-the-body na, isa ang common denominator na aking nakikita sa paligid: blanko ang lahat—wala ang mga kasangkapan at iba pang gamit sa paligid, at black and white ang lahat.

Hindi ko nakikita  ang aking katawang-lupa kapag ako ay out-of-the-body, hindi tulad ng iba na nakikita nila na nakahiga ang kanilang katawan at natutulog. Sa akin, ang lugar kung saan ako nakahiga ay tila nalalambungan ng napakaitim na anino, dahilan para hindi ko makita ang aking sariling katawan.

Ang unang reaksiyon ko ay pagmasdan ang kapaligiran. Nagagawa kong makalabas ng bahay at makapaglakad-lakad sa paligid. Isa sa napapansin ko ay nasa nakaraang estado ang lugar kung nasaan ako.

Saglit lamang kung ako ay makapag-out-of-the-body. Kadalasan ay hindi ako nakakalayo sa perimeter ng aming bahay o lugar.

Isa sa aking pinaka-intense out-of-the-boy-experience ay sa dati kong apartment sa Valenzuela City. Hatinggabi na ng ako ay mahiga sapagkat nalibang ako sa aking ginagawa. Hindi pa nagtatagal ang pagkakalapat ng katawan ko sa kama ay agad na akong nakaramdam ng matinding kilabot at matinding puwersa na nagpaangat sa akin. Alam ko na maga-astral travel na naman ako.

Takot na takot ako sapagkat paglabas ko ng aking silid, tanging ang aming mahabang kahoy na dining table ang naiwan sa lugar. Wala na ang ibang mga gamit at kasangkapan. Ang isa sa pumukaw ng atensiyon ko ay ang petsa na nakasulat sa dingding. Inaninaw kong mabuti ang petsa. Saglit lang at natapos ang astral traveling ko at nakabalik ako sa aking katawan na pagod na pagod. Isinulat ko agad ang nasabing petsa sa papel upang hindi ko makalimutan. Ilang buwan lamang matapos ang OBE  na iyon at sumapit ang petsang nakita ko, isang pangyayari ang naganap. Namatay ang tiya ko. Ang petsa pala na aking nakita sa pader ay ang mismong petsa ng kamatayan ng aking tiya.

Hanggang ngayon ay nakakapag-astral travel pa rin ako. Hindi ko pa nasusubukan ang induced astral traveling o iyong sapilitang pag-astral travel. Ang akin ay bigla at hindi inaasahan. Sa una ay nakakatakot. Sa daming beses ko nang nakapag-astral travel ay hindi pa rin nawawala ang hilakbot sa akin sa tuwing nagaganap ang proseso. Masarap din mag-astral travel sapagkat nakikita mo ang mundo sa ibang perspektibo. Nagagawa mong makasilip sa isang himaymay ng space na hindi pa nagagawang mai-record ng anumang makabagong gadget kahit gaano pa ka-morderno ang ating teknolohiya sa ngayon.

Ikaw, nakakapag-astral travel ka rin ba? I-commet mo ang sariling karanasan sa astral travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here