PAANO GAGAWING PAMPASUWERTE ANG CINNAMON STICK

Ravenson Biason

Pamilyar ka ba sa cinnamon?

        Ang cinnamon ay kadalasang inihahalo sa kape bilang additional flavor, at ginagamit rin sa paggawa ng tinapay, cookie, at iba pang pagkain.

        Sa mundo ng mahika, isa ang cinnamon sa itinuturing na powerful herb. May kakayahan ang cinnamon na magbigay proteksiyon, magpalakas ng dating sa tao, at magpagaang ng pasok ng pananalapi.

        Bilang protection charm, magsabit ng ilang piraso ng cinnamon stick sa front door. Kokontrahin nito ang anumang negatibong enerhiya at elemento na papasok sa inyong tahanan.

        Upang lumakas ang iyong aura o electromagnetic field, magpakulo lamang ng ilang piraso ng cinnamon stick. Gamiting pampaligo ang pinagpakuluan ng cinnamon stick.

        Kung nais na maging masuwerte ang iyong wallet, maglagay ng isang piraso ng cinnamon stick sa loob nito upang ma-attract ang magandang pasok ng pananalapi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here