PAANO GAGAWING PAMPASUWERTE ANG ARENOLA

320

Arenola, puwedeng gawing lucky charm?

        Oo, hindi ka nagkakamali sa iyong nababasa. Ang lagayan ng dumi o ihi ay puwedeng maging pampasuwerte mo!

        Ayon sa matandang paniniwala at kasabihan, ang ihi at dumi ng tao ay simbolo ng suwerte sapagkat ito ay nagmula mismo sa loob ng ating katawan.

        Kakatuwa man para sa ilan ang kasabihang ito, ngunit ang lahat ng ito ay simbolo at paghahambing lamang. Kaya, igalang ang matandang paniniwala.

        Dito nag-ugat ang paniniwala na suwerte ang arenola.

        Kung ikaw ay naimbitahan sa kasal, o kaya ay may bagong lipat sa inyong tabi, huwag mahiyang magbigay ng arenola. Ang arenola ay simbolo ng kaban ng yaman!

        Kung ikaw ay may tindahan o negosyo, mainam rin na sa arenola mo ilagay ang iyong kita. Ia-attract ng arenola ang higit na magandang pasok ng pananalapi.

        Sa usaping gaya ng pampasuwerte, marahil ay maraming napapailing. Ano raw ba ang koneksiyon ng mga bagay para suwertihin ka? May magsasabi pa na nasa pagta-trabaho ang susi para magkapera ka at huwag iasa sa mga pampasuwerte.

        Tama. Nasa Diyos ang awa pero nasa tao ang gawa.

        Ang mga pampasuwerte ay makatutulong upang magkaroon tayo ng pag-asa at positibong pananaw sa buhay. Kung tayo ay positibo, maa-attract natin ang mga biyaya.

        Sa madaling salita, ang mga pampasuwerte ay visual aid o manifestation ng ating pananampalataya.

        Kaya nga ito ay para lamang sa mga naniniwala.

SHARE
Previous articleMga paraan upang hindi ka makakalimutin
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Marso 23, 2020
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here