PAANO GAGAMITIN ANG SALAMIN UPANG MAKITA ANG MGA MANGYAYARI SA HINAHARAP O MASAGOT ANG IBA PANG KATANUNGAN SA IYONG ISIPAN

922

Bukod sa bolang Kristal, isa ang salamin sa karaniwang kasangkapang ginagamit sa divination o pagsilip sa hinaharap upang alamin ang mga mangyayari o iba pang katanungan na nangangailangan ng kasagutan.

        Hindi kailangang grandiyoso o mahal ang salamin na gagamitin. Kahit anong klase ng salamin na mayroon sa bahay ay maaaring gamitin.

        Sa mirror divination, kailangan ng isang madilim at tahimik na lugar na walang kagagambala sa iyo. Karaiwang ginagawa ang mirror divination sa gabi kung kailan nagpapahinga na ang karamihan.

        Kailangan ring malakas ang iyong loob at handa ka sa anumang posibleng makita mo sa salamin.

        Sa madilim na silid o lugar, magsindi ng isang puting kandila. Walang ibang kailangang gawin kung tumitig sa harap ng salamin.

        Mag-focus ng mabuti sa salamin. Tumitig sa iyong mga mata sa salamin.

        Tulad ng crystal gazing, matagal rin ang proseso ng mirror gazing at huwag asahan na kaagad kang may makikita sa salamin.

        Kailangan ng tiyaga, matinding concentration  at lakas ng loob.

        Maaaring sa una, pangalawa, o pangatlong beses ay wala ka pang makitang pangitain sa salamin.

        Ngunit, sa sandaling mangyari na, ang unang makikita sa salamin ay usok. Ang iba ay nakakakita ng puting usok. Mayroon naman na kulay abuhin  o pula ang kulay na nakikita. Huwag maging subjective sa kulay ng usok na makikita sa salamin. Anumang kulay ang makita, hayaan lamang ito.

        Unti-unti ay mahahawi ang usok at makikita ang isang vision na parang nanood ka ng telebisyon.

        Huwag matakot sa mga makikita. Huwag ilalayo ang mga mata sa salamin. Higit sa lahat, iwasang maging subjective sa mga vision sa salamin. Huwag mag-isip ng iba dahil maglalaho ang pangitain.

        Sa gabi-gabing pag-eensayo, ikaw ay magiging bihasa na ring mirror gazer.

        Good luck!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here