Paano Ba Mag-Ipon?

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Ang pag-iipon ay hindi lamang para sa mga taong may maraming pera dahil ang pag iipon ay kayang gawin ng kahit sino, nasa tao lang ito kung nais niya gawin ito. Ngunit, kung hindi mo sisimulan ang pag-iipon ay wala kang maipupundar at ang sinuweldo mo ay para lamang hangin na dadaan sa’yo. Pero mahalaga nga ba ang pag-iipon? Mahalaga ang pag-iipon dahil hindi ka lamang natututong mag-impok kundi natutututo ka rin ng disiplina sa iyong sarili. Pero paano nga ba ang tamang paraan ng pag iipon?

1.       IPRIORITIZE ang ipon

–          Matapos makuha ang sweldo unahin nang itabi ang ipon bago pa simulan ang pagba-budget dahil kung ang matitira lamang sa budget ang iyong iipunin ay maaaring hindi ito maging consistent at may posibilidad na humantong sa wala ng matira para sa ipon.

2.       Hindi kailangang MALAKIHAN agad

–          Ang pag-iipon ay hindi kailangan na malaki agad ang simula. Pero dapat ito ay consistent at ito ay palaki ng palaki habang tumatagal. Sa simula ay maaring magsimula lamang sa 10% ng iyong sweldo at sa paglipas ng panahon ay maaari itong gawing 20%

3.       Iwasan ang HINDI KAILANGAN

–          Ang mga Filipino ay mahilig sa pagkain ng “unhealthy foods” tulad ng softdrinks at chicherya pero kung ikaw ay may pursigido mag-ipon tanggalin na ito sa listahan at ang mga pambili nito ay idagdag sa iyong ipon. Naging healthy ka na, healthy pa bulsa mo

4.       ALAMIN kung bakit ka nag iipon

–          Mahalagang mayroon kang goal sa pag iipon upang mas ma-inspire ka rito. Matutong mag set ng goals para na rin mamonitor mo kung effective ang ginagawa mo.

5.       Matutong PALAGUIN ang ipon

–          Alam mo ba? Ayon sa economics, ang pag-iipon lamang ay nagpapakita ng walang paggalaw sa pera at nagpapakitang hindi ito epektibo. Sa panahon ngayon, marami nang pwedeng paglagakan ng pera na pwede ka pang kumita ng interes. Popular rito ang Stock Markets at dahil dito nakaipon ka na may interes pa.

Ang pag-iipon ay kailangan sa isang tao. Ito ay upang mas maging makabuluhan ang iyong pagtatrabaho dahil mula rito matututo ka magpundar ng mga bagay at nagpapakita na hindi ka lamang kumikita para gastusin ito. Matutong mas maging matalino sa paghawak ng pera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here