Paano ba dapat nating lambingin ang ating asawa?

Narito ang ilang tips kung paano natin dapat lambingin ang ating asawa o boyfriend upang mas lalo nila tayo mamahalin at lagi silang kikiligin at syempre para laging manatili ang buong pagmamahal nila para satin

Alam naman natin na karamihan sa mga lalaki ay hindi demanding, di gaya nating mga kababaehan, o aminin. Karamihan naman talaga sa ating mga babae ay mahilig mag demand gaya ng, gusto yan at gusto ko non.

Ang lalake naman ay simple lamang kunting lambing, simpleng hawak lang ng kamay, matamis na halik sa labi, pisil sa balikat, at isang mahigpit na yakap lang natin ng may ksamang matamis na ngiti ay tiyak na ang kanilang kasiyahan kapag nakuha nila ito mula sa kanilang mahal.

Sa madaling salita, mababaw lang ang kanilang kaligayan pagdating sa mga mahal nila. Basta maipakita mo lang sa kanila ang iyong buong pusong pagmamahal, tiwala, respeto,at syempre minsan hayaan din natin sila na magkaroon ng oras para kanilang sarili.

Pag kayo naman ay magkasama laging maging malambing sa inyong mahal iwasan na umiral ang tupak dahil  sa kaunting bagay lamang.

 Wag kalimutan na magtext sa kanya   ng matatamis na good morning messages. Yong pagdilat niya ng mata niya ay yon agad ang kanyang makikita o mababasa. Kung kayo naman ay mag – asawa wag kalimutan ang matamis na good morning kiss.

Ipaalala sa kanya na dapat ay kumain siya sa tamang oras at wag hayaan ang sarili ng malipasan ng gutom.

Sabihin sa kanya kung gaano siya kahalaga sayo at kung gaano mo siya ka mahal at nais mo na lagi siyang nakikitang masaya.

Kapag nakikita mo siyang badtrip lambingin mo siya kaagad pakinggan ang kanyang   hinaing at icomfort mo siya.

At wag na wag mong hahayaan na maramdaman niya na nag-iisa siya lagi mong ipakita sa kanya na lagi ka lang nasa tabi sa hirap, tuwa, lungkot at saya.

Lagi ipaalala sa kanya kung gaano mo siya kamahal ipakita mo ang suporta sa kanya sa kanyang mga pangarap sa buhay

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here