PAANO ALAGAAN NG TAMA ANG IYONG BUHOK

1. GUMAMIT NG CONDITIONER. Kapag gumamit ka ng shampoo, siguraduhin na gagamit ka ng conditioner. Ang hair conditioner ay tumutulong upang ibalik ang mga oils na natanggal dahil sa paggamit mo ng shampoo. Siguraduhin na natanggal mo na lahat ng shampoo sa buhok mo bago gumamit ng conditioner.

2. BANLAWAN ANG IYONG BUHOK NG MALAMIG NA TUBIG. Pagkatapos mong magbanlaw ng shampoo at conditioner, banlawan mo ang iyong malinis na buhok gamit naman ang malamig na tubig. Nakakatulong ang malamig na tubig upang panatilihin na masikip ang iyong hair follicle. Nababawasan nito ang mga buhok na nalalagas tuwing ikaw ay maliligo.

3. BAWASAN ANG PAGGAMIT NG INIT AT PAGKULAY NG BUHOK. Ang paggamit ng init o pangkulay sa buhok ay makakasira sa iyong buhok. Subukan mong babaan ang amount ng heat na ginagamit mo sa iyong buhok at hayaan mo lang ang buhok mo na matuyo dahil sa natural na hangin. Gumamit ng sponge o di kaya naman ay velcro roller kaysa sa hot roller. Limitan mo ang pagkukulay ng buhok mo at gumamit ka ng shampoo para sa may kulay ang buhok upang mabawasan ang pagkasira nito.

4. MAINGAT NA SUKLAYAN ANG BUHOK. Gumamit ng malapad na suklay at dahan-dahan itong isuklay sa iyong buhok. Makakatulong ito upang matanggal ang buhol sa iyong mga buhok ng hindi nalalagas ang iyong buhok. Kapag kasi hindi ka maingat at maling suklay ang iyong ginamit ay magiging rason ito upang numipis at maglagas ang iyong buhok.                   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here