Paalam, Pimentel

October 20, linggo ng umaga nang sukuan ni former Senate President Nene Pimentel sa edad na 85, ang sakit na lymphoma , isang uri ng cancer. Si Aquilino Quilinging Pimentel Jr. o mas kilala natin bilang Nene Pimentel ay isinilang noong Disyembre 11,1933. Si Pimentel ay isa sa mga lider ng oposisyon na kumalaban noon sa rehimeng Marcos noong 1972 hanggang sa People Power Revolution noong 1986. Una siyang nahalal bilang senador noong 1987 hanggang 1992. Si Pimentel ang founder ng PDP Laban at nagsilbing senate president naman noong taong 2000 hanggang sa taong 2001. Siya rin ang ama ng former senate president din na si Koko Pimentel. Isa si Pimentel sa mga sumuporta kay President Rodrigo Duterte sa kampanya nito bago pa man mahalal bilang presidente ng Pilipinas. Isinusulong din niya ang federalismo sa Pilipinas.

October 14, 2019, nang i-admit sa intensive care unit si Pimentel sa isang ospital sa Maynila. Ayon sa kanyang anak na si Gwendolyn, ang kanyang ama ay nakakaranas ng hirap sa paghinga dahil sa pneumonia. Hanggang sa tuluyan na ngang mamaalam si Pimentel noong linggo, October 20 sa ganap na ika-5 ng umaga. Ayon sa kanyang asawa na si Ginang Lourdes Pimentel, si Pimentel ay nagsusulat ng mga libro at isa sa kanyang isinusulat na hindi pa natapos ay ang libro tungkol sa impeachment trial ni Renato Corona. Sa kanyang interbyu sa isang radio station ay nagpasalamat ang ginang sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang asawa. At humihiling na na ipagdasal din ito para sa kanyang eternal rest. Nangako si Ginang Pimentel na ipagpapatuloy nila ang mga ginagawa nito partikular na ang mga librong hindi natapos sa tulong ng manugang nila at pamangkin. Sinabi rin ng ginang na her husband live his life to the fullest. Kaya ang naging pamamaalam nito para sa pamilya ay mapayapa.

Bilang isang mamamayang Pilipino, nakikiramay kami sa mga naulila ni former Senate President Nene Pimentel. Nagpapasalamat kami sa lahat ng naibahagi niya sa bansang Pilipinas bilang mambabatas at senador. Maligayang paglalakbay sa kabilang buhay Nene Pimentel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here