Paalam na, Jeon Tae Soo…

0
82

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Ang 34 na taong gulang na Korean actor na si Jeon Tae Soo ay sumakabilang buhay na. Siya ay nakilala sa Sungkyunkwan Scandal at It’s Okay Daddy’s Girl. Kalimitan man, kontrabida ang kanyang labas, siguradong marami pa rin ang makaka-miss sa taglay niyang kaguwapuhan at galing niyang umarte.  

Sinabi man ng agency nitong Haewadal Entertainment na nagkaroon ng depression ang aktor ngunit sinasabi ng muli siyang babalik sa kanyang pag-arte. Nakalulungkot lamang na hindi na pala mangyayari iyon. Hindi man tuwirang sinabi kung ano ba talaga ang sanhi ng kamatayan nito. Basta nakiusap na lamang ang pamilya nito na gawin na lamang pribado ang lahat. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon lalo na kung alam natin ang katagang respeto.

Saka, malaman man ng mga tagahanga nito o hindi ang dahilan ng kamatayan ng kanilang idolo, hindi pa rin mababago ang katotohanan na wala na ang si Jeon Tae Soo at hindi na nila magagawang mapanood sa susunod na Korean drama. Gayunpaman, ang mga alaalang iniwan ng aktor ay hindi na mawawala pa sa puso at isipan ng mga Korean fans. Kaya, ang tangi ko na lang masasabi…

Maligayang Paglalakbay, Jeon Tae Soo…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here