Paalala Sa Mga Nagmamadaling Umalis

Karamihan sa ating mga Pinoy ay walang sense of time. Kahit alam natin na may kausap tayo ng alas-otso, naggagayak tayo ng alas-siyete dahil nagbabakasakali tayo lagi na hindi tayo mahuhuli sa ating pupuntahan.  Ngunit, alam mo bang sa tuwing ikaw ay nagmamadali ay mas lalo kang nahuhuli

Kapag kasi ikaw ay natataranta ay mas marami kang bagay na nakakalimutan at kung minsan pa nga ang mahahalagang bagay pa ang nakakalimutan mo. Kapag ganoon ang nangyari, kinakailangan mong bumalik sa’yong bahay o sa kung saan a man nanggaling kaya nagiging dahilan ito para mas mahuli ka sa daat mong puntahan.

Kailangan mo rin palang malaman na kahit na anong pag-aapura mo ay hindi ka dapat magkakamali ng medyas na isusuot. Hindi pupuwedeng baligtad ang medyas na gagamitin mo dahil ang ibig sabihin nito tinatawag mo ang kamalasan. Dahil nga ang tamang pagsusuot ng medyas ay nagsasabing nagtatawag ka ng suwerte samantalang kung baligtad na medyas ang gagamitin mo ay parang sinasabi mo ring ayaw mong suwertehin sa araw na iyon.

Sa madaling salita, ang pagmamadali ay hindi talaga daat pinaairal sa anumang pagkakataon. Ang dapat, magkaroon ka palagi ng sense of time para naman hindi ka ma-late saan ka man magpunta. Kapag ganoon ang nangyari ay para mo na ring kinawayan ang misableng buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here