OWWA Rebate, sisikaping ipatupad sa Mayo 2018

0
1140

“First half of 2018, yan po ang ating target. First of half of 2018, sa Mayo,” sabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac.  

Napakaraming tanong ng mga OFWs tungkol sa OWWA rebate ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). May nagagalit na kung totoo ba ito o propaganda lang dahil walang update. Pakiramdam ng mga OFW, kung totoo daw ang programa, bakit ang tagal ipatupad.

Una sa lahat ang OWWA Rebate ay ang pagbabalik ng OWWA ng kaukulang halaga sa mga naging miyembro nito ng may 10 taon o higit pa, at wala pang napakinabangang programa o serbisyo mula sa ahensya kailanman.

Tinutukan ng mga OFWs ang OWWA Rebate mula nang mabalita itong noong 2016. Makikita sa kanilang Facebook page #OWWAOfficial at sa iba’t ibang online sites ang sari-saring reaksiyon  ng mga OFWs. Karamihan ay galit na dahil puro daw pangako ang ahensiya. Nanlulumo sila dahil pare-pareho ang sagot ng mga taga-OWWA tungkol dito.

Ang huling public statement ng mga lider ng ahensya tungkol sa OWWA Rebate ay noong March 23, 2018 sa pamamagitan ng Facebook Live. Humingi ng paumanhin si Cacdac sa mga OFWs tungkol sa delay ng pagpapatupad ng OWWA Rebate pero aniya, kailangang busisiin ang pagsasagawa ng actuarial study tungkol sa pagco-compute ng halagang dapat ibalik. At sa nasabing Facebook Live, sinabi niyang kalahating taon ng 2018, o sa Mayo ang target month of implementation.

Paliwanag ni Cacdac sa mga OFWs, ang actuario ay ang “dalubhasa na nagco-compute ng halaga ng benepisyo na dapat ay kakayanin ng pondo (ng OWWA). Siya ang magsasabi kung magkano ang halaga ng rebate, at yung halagang sasabihin niya, isinasaalang alang niya kung magkano ang kabuuang pondo na hindi mauubos ang fund.

So, malinaw. Sa buwan ng Mayo ang target date kaya maghintay lang po ang mga OFWs. Abril pa lang naman.

Para sa convenience ng lahat, narito ang transcript ng nasabing statement mula sa  OWWA Facebook Live kung saan sinabi ng OWWA leaders ang tungkol sa OWWA Rebate.

“Sa mga nagtatanong po tungkol sa rebate, nasabi ko na po sa simula na humihingi kami ng kaunting panahon pa, paumanhin niyo. Kasi nga, nag-iingat ang ating actuario. Naghire po tayo ng dalubhasa. Sanay sya sa pagco-compute ng actuario sa ibang financial institutions like SSS and GSIS. Nagpapatulong po tayo sa kanya.”

Hindi pwedeng malimas ang pondo, at hindi rin naman masyadong mababa na hindi na tutugon sa pangangailangan ng mga entitled doon sa rebate.”

Sinabi nilang ang implementation ng OWWA Rebate ay ipa-publish sa mga major newspapers, sa media, at hindi ito ma-miss ng mga OFWs na nagtatanong tungkol dito, ayon pa sa OWWA.

Ini-stress nila na ang kailangang ang OWWA membership ay “10 years or more at never pang nakakuha ng OWWA benefit or service.”

Humihingi pa kami ng kaukulang panahon. Pasensya na po kayo kasi yung ating dalubhasa ay humihingi pa ng panahon para makuha niya ng tama o wasto itong pagtalaga ng rebate. Kaya wala pa tayong masyadong detalye except itong mga nakaharap sa inyo (referring to the placards).

Abril pa lang po, mga OFWs.

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here