OWWA Rebate para sa mga OFWs, andito na sa wakas!

0
276

Magandang balita para sa mga OFWs na matagal nang naghihintay sa OWWA rebate. Ipapatupad na ito sa wakas!

Totoo na ‘to dahil nailagay na sa website ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa implementasyon ng OWWA rebate.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang OWWA rebate ay isang miscellaneous provision sa OWWA Act 2016 kung saan may pampalubag loob na nakalaan sa mga naging OFWs na naging miyembro ng matagal ng OWWA.

Ayon sa OWWA, ang makakakuha ng rebate ay mga OFWs na nakapagtrabaho sa ibang bansa ng sampung taon o higit pa at nakapagbayad ng limang kontribusyon o higit pa sa ahensya. Ibig sabihin, kung hindi ka naka ten years na OFW at hindi nakapagbayad ng at least five contributions, hindi ka kasali dito.

Bukod sa required number of years as OFW at minimum number of membership contribution, Isa pang mahalagang salik para makakuha ng OWWA rebate ay dapat na hindi nakapakinabang ng anumang programa o benefit mula sa OWWA sa panahong naging OFW. Kaya, kung nakakuha ng tulong pinansiyal, medical assistance o nakakuha ng scholarship grant para sa anak o skills training assistance para sa sarili o kamag-anakan, hindi ka kasali dito.

Ang mga nabanggit na kondisyon ay malinaw na nailagay sa OWWA Act o Republic Act 10801 ng mga mambabatas mismo. Kaya siguro, kung may reklamo ang mga OFWs tungkol dito, dapat ay sa mga mambabatas nila ito ihain.

Inabot ng higit tatlong taon ang pagbibigay ng anunsiyo tungkol sa OWWA rebate bagamat hindi pa sila nagpapa press con o gumawa ng pormal na announcement man lang sa media gaya ng kanilang pinangako. Ito marahil ay dahil sa gusto nilang masiguro na katanggap tanggap ang mabusising pag-aaral na ginawa ng actuary para dito.

Isang mahalagang kondisyon ng batas sa pagpapatupad ng OWWA rebate ay, kailangang masiguro na ang pondo ng OWWA para sa regular programs gaya ng death insurance, scholarship grants, pati na livelihood assistance sa mga qualified OFWs ay hindi maaapektuhan sa pagbibigay ng rebate.

Mula sa database ng OWWA, umabot sa 556,000 OFWs ang natukoy na makakakuha ng OWWA rebate na pasok sa nasabing kondisyon: naging member ng 10 years or more, may five contributions at higit pa, at walang na avail na anumang programa o benefit mula sa OWWA.

Sila ay makakatanggap ng mula P941.25 kung nakalimang kontribusyon o P13,177.50 kung naka 70 contributions.

Sa figures na ito, masasabi nating aabot sa higit isang bilyong piso ang pondo ng OWWA rebate. Karamihan marahil sa mga makakatanggap ay mga seamen dahil mas palagian ang kanilang pag-alis ng bansa at nagbabayad sila sa OWWA kada alis.  

Maliit ba? Malayo ba sa inaasahang halaga? Maaring nakaka dismaya para sa mga OFWs na hindi realistic o hindi nakakaintindi ng rebate.

Sa ngayon, lagi po nating bantayan ang anunsiyo ng OWWA mula sa kanilang website kung kelan na ito sisimulan at kung paano ito ipapamahagi.

Makikita po ang official na announcement sa https://owwa.gov.ph/orp.html#myCarousel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here