Orig na Oregano

Kilala nyo na siguro ang oregano. Sikat ito sa atin. Hindi lang dito kundi matatagpuan rin ito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang oregano ay mula sa bansang Greece kaya ang mga griyego ang unang nakagamit nito. Naniniwala sila na ito ay nilikha ng Goddess na si Aphrodite. Ang salitang oregano ay mula sa oros “mountain” at ganos “joy” kaya ang ibig sabihin nito ay joy of the mountains.

Maraming gamit ang oregano. Ginagamit natin ito sa pagluluto na kalimitan ay pinatutuyo muna natin ang dahon. Hindi ko makalimutan ang karanasan ko sa pag-inom ng katas ng oregano, dahil talagang nag-aantanda ako sa pag-inom nito o kaya ay nananakbo kung may pagkakataon para lang makaiwas dito. Mabango pero matapang ang amoy ng oregano at may mapait na lasa kaya hindi ko talaga ito gusto. Subalit nang makita ko ang husay nito na makagamot ng ubo ay hindi na ako nagdadalawang isip na uminom nito. Ang langis kasi ng oregano ay anti-inflammatory, antifungal at antibacterial kaya ito ay mahusay sa ubo, sipon, pagtatae, paso, kagat ng insekto, sakit ng ngipin, uti, pananakit ng mga kalamnan, allergies at sinusitis. Ang oregano ay tumutulong din sa pagbabawas ng timbang. Dahil ito sa aktibo nitong component na tinatawag na carvacrol na siyang tumutulong sa pagtunaw ng taba.

Tunay na hindi matatawaran ang mga benepisyong handog ng oregano. Madali ang itong patubuin at mabilis ding dumami kaya naman hindi ka mamomroblema kung saan mo ito hahanapin. Maari ka nitong magpatubo sa paso.Pumutol ka lang ng magulang na sanga at itanim sa malusog na lupa. Hindi lang ito makakatulong sa iyo sa paggamot ng karamdaman kundi maaari mo rin itong ibenta sa tamang halaga kung mapaparami mo. Pwede mo rin namang ipamigay sa mga nangangailangan kung mabuti ang iyong puso.  Kaya napakainam talagang magtanim ng oregano. Sa dami ng tumatangkilik ngayon sa mga herbal plants dahil sa kamahalan ng medisina ay siguradong marami ang nakakakilala at nakikinabang sa oregano.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here