Online Horoscope Setyembre 29, 2022

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Itataas at ibaba ka ng kapalaran, ito ang pangako ng langit para sa iyo. Hindi naman kabawasan sa iyo ang magpakumbaba, sa halip ay aani ka ng mga papuri at paghanga. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-20-25-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Hindi mo kailangan magpaliwanag sa mga kaibigan mo dahil ang tunay na kaibigan ay palagi kang nauunawaan at mas kilala ka nila. Hindi mo rin obligasyon na magpaliwang sa ibang tao. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-22-28-31-38-42.

GEMINI (May 21-June 20) – Pipiliin mo ang mas bata. Ganundin sa kapalaran, sariwa at bago ang mga pagkakataong ihaharap sa iyo ng langit nang sa gayun ay mapabilis pa ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-16-21-25-29-31-32.

CANCER (June 21-July 22) – Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, malalaman mo na ikaw ay tanggap ng isang interesado na makasama ka habambuhay. Huwag kang tumulad sa iba na mapagkunwari at ayaw ipakita ang tunay na sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-29-31-37-38-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Mahina ka ngayon dahil tatalunin ka ng iyong damdamin. Sa una, magiging mahigpit ang pagsupil sa damdamin mo, pero ito ang mananaig. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-15-21-25-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Kung ano ang tama, ‘yun ang ipaglalaban mo. Ito ang lihim na utos sa iyo ng langit na may kalakip na pangako, kung saan ang magagandang kapalaran ay mapasasaiyo bilang regalo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-17-21-24-26.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – May katapusan ang lahat ng bagay sa mundo, kaya lang, ang pagmamahalang tapos na ay mahimalang bubuhayin muli. Ito ang katotohanang nagpapagulo sa isipan mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-20-21-24-26-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Malulunod ka sa saya at liga. Minsan, ang sobrang masaya ay napapalayo sa reyalidad. Huwag mong hayaan na maligaw ka ng iyong nadadamang kaligayahan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-18-25-27-34-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Hadlang ang probleman na nasa iyong harapan, kung saan malakas ang hatak ng iyong emosyon kaysa sa ituloy mo ang matagal mo nang pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-22-23-38-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Naghihiganti ang mahihina, habang ang malakas ay nagpaparaya. Piliin mo ang huli dahil ang regalo ng langit sa sinumang mapagparaya ay malalaking biyaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-25-28-35-37-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Tumakas ka sa problema, hindi masamang takasan ang nagpapahirap sa damdamin at kalooban. Ang masama ay ang nananatili ka sa mali at lisyang kalagayan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-17-21-25-36-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Pagbigyan mo ang nakikiusap dahil bilang tao, minsan ka ring nakiusap sa kapwa. Ang pahabol na payo, kapag nagbibigay ka sa nakikiusap sa iyo, gagantihan ka ng langit ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-22-23-37-41.