Online Horoscope Setyembre 23, 2022

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Kapag naging madamdamin ka, magpapatuloy ang pag-atras ng iyong pag-unlad. Isip ang iyong gamitin at huwag muna ang puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-21-26-30-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Dapat alerto ka. Kusang lalapit sa iyo ang suwerte, pero mabilis ding mawawala ang pagkakataon na makuha mo ito. Kaya hindi ka lang dapat alerto kundi dapat ay mabilis ka ring sumunggab sa magagandang pagkakataon na dumarating. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-16-22-25-29-32.

GEMINI (May 21-June 20) – Huwag mong pansinin ang mga problemado. Kapag inintindi mo ang para sa kanila, sa maniwala ka o hindi, sa iyo malilipat ang mga problema. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-18-29-31.

CANCER (June 21-July 22) – Bumibigat ang buhay kapag ang tao ay walang positibong pananaw. Samantala, sinusuwerte ang tao kapag siya ay naniniwala sa kanyang sarili. Dapat ang huli ang piliin mo. Huwag mong pag-alinlanganan ang iyong galing at maniwala ka sa iyong sarili dahil kasunod nito ang suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-25-28-30-35.

LEO (July 23-Aug. 22) – Ituloy mo ang naisip mong repasuhin ang iyong mga naunang plano. Makabubuti ito sa iyo dahil sa mga huling kaganapan sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-22-27-34-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Tumutubo ang bagong sanga kapalit ng nalanta at natuyo na una. Huwag kang mag-alala kapag nawala ang oportunidad na hindi mo sinunggaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-28-33-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag mong labanan ang ikot ng iyong kapalaran nang sa gayun ay maging mabilis ang pagdating sa iyo ng mga bagong pagkakataon na mabilis mong mapaunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-29-30-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Huwag ka munang makipagsosyalan nang sa gayun ay hindi ka madamay sa umaatras ang kabuhayan. Hindi ngayon ang panahon para sa bonggang pakikipagkaibigan. Sa halip, pagkakaperahan ang dapat mong tutukan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-20-21-26-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Puwedeng hindi magastos ang pamamasyal. Nasa paghahanda lang naman sa talagang pangangailangan ang susi sa pagsasaya at paglilibang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-29-31-36-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kapag panatag ang kalooban, nakakapag-isip nang mabuti. Kahit mabibigat ang problema, mas makabubuting kumalma ka lang. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-23-28-30-36-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Tiyak na uulan kapag ang mga ulap ay bumigat. Pagaanin mo ang iyong mga pasanin. Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa paglutas sa mga suliranin ng ibang tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-19-21-25-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Huwag mong hanapin ang mga suwerte mo sa malalayong lugar. Simpleng makipag-ugnayan ka sa mga nasa tabi mo at ang mga suwerte ay dadapo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-21-24-28.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here