Online Horoscope Oktubre 7, 2022

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa panahong ito ng kapaskuhan sa iyo ang mga araw na ito. Walang sinoman ang puwedeng komontra sa mga kagustuhan mo. Ang mabuti nilang magagawa ay makiayon sa lahat ng iyong sasabihin. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 10, 25, 29, 37, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Marami ang nagtataka sa iyo. Dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa mga nangangailangan. Mabait ka kasi at ang kabaitang ito ay siguradong gagantimpalaan ng langit sa paskong ito. Marami ang mamamangha sa iyong kapalaran dahil sa ginagawa mong ito bigla kang pagkakaloob ng dambuhala at sobrang laking suwerteng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang  lilac. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 34, 41, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Sa panahong ito ng kapaskuhan pinag-iingat ka sa bawat sasabihin mo. Kung hindi naman maganda ang ibubukas ng iyong bibig, wag na lang magsalita, upang wala kang makaaway at walang taong sasama ang loob sa iyo. Sa bawat magagandang bagay na lalabas sa bibig mo, susuwertehin ka. Mapalad ang kulay na red.  Masuwerteng numero 1, 10,  19, 34, 38, 40.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sobrang emosyonal ka. Madalas tinatalo ng iyong damdamin ang iyong isipan. Kontrolin mo ang iyong damdamin upang hindi ka masaktan. At sa sandaling nasupil at na kontrol mo ang iyong damdamin, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay lalo na sa susunod na taong 2023. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 7,  19, 34, 34, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Wala kang karapatang magalit, dahil nalalapit na ang kapaskohan. Kahit na may babala na mabilis kang maiinis at mabubugnot hindi mo ito dapat na gawin. Ang galit ay nagpapahina sa maseselang bahagi ng katawan. Habang ang masiyahing puso naman ang naghahatid ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran . Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 3, 12, 18, 27, 33, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ang bangka na sumasalungat sa alon ay nawawasak, hindi mo ito dapat na gawin. Sa halip, sakyan mo lang ang mabilis na agos  ng iyong kapalaran at makakaasa kang dadalhin ka nito sa baybayin ng isang napakalaking tagumpay na mapapakinabangan mo na agad ang bunga . Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 23, 27, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Dapat na sumunod lang sa iyo ang iyong mahal. Dahil kung hindi siya susunod, hindi kayo makapagsisimula, kailan man. Dapat nyang malamang ikaw ang kanyang suwerte na nagbibigay sa kanya ng magandanhg kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 16, 27, 31, 40, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Kapansin-pansin ang hilig mo sa pagkukuwento na ang tunay na ibig sabihin sa kuwentuhan ay lalo kang sinusuwerte at nagkasasagap ng magagandang kapalaran lalo na sa mga kuwentuhang may kaugnayan sa pasko at  Bagong Taon. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 35, 38, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ang langit ang kikilos para sa iyo sa araw na ito. Hindi kapani-paniwala na matsa-tsamabahan mo ang tamang dapat na gawin. Kahit ikaw sa sarili mo ay magugulat. Ganon paman, sa paskong ito hanggang sa 2023 marami pang suwerte at magagadang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 5, 15, 24, 33, 39, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Wag kang mag-alinlangan lalo na sa mga araw na ito. Wag mo ring hayaang talunin ka ng mga negatibong pananaw. Panatiliin mo ang pag-iisip ng mabuti at magaganda, upang ang mabuti at magagandang kapalaran ay patuloy at walang tigil na dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 36, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) ‘Wag mong takasan ang mga pagsubok na nasa iyong harapan. Kumukuha lang ng buelo ang langit, anumang oras mula ngayon darating na ang iyong tagapaglitas. Sa paskong ito bubuhusan ka ng maraming mga suwerte at pagpapala na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 1, 13, 28, 32, 38, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Simple lang ang pinapagawa sa iyo ng kapalaran sa panahong ito. Magplano muna bago kumilos. Kapag nakaplanong mabuti ang lahat ng iyong ginagawa, papabor sa iyo ang langit.  Susuwertehin ka at pagkakalooban ng mas marami pang magagandang kapalaran na pakikinabangan mo hindi lang sa panahong ito ng kapaskuhan kundi hanggang sa susunod na taong 2023. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  18, 21, 27, 36, 39.