Online Horoscope Oktubre 6, 2022

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ngayon ang takdang araw na makatatanggap ka ng gantimpala mula mismo sa langit bilang premyo sa mga pagtulong mo sa mga taong mahihirap at sa kabutihang ipinapakita mo sa mga sawing-palad. Wag na wag mong tatanggihan ang nasabing gantimpala, dahil ito ang hudyat na papayaman ka na ng papayaman.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.  

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Dumating na ang araw na kung kailan magdaragsaan sa harapan mo ang magagandang kapalaran. At ang isa pang masuwerteng balita ay nagsasabing ngayon na ito magsisimula. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sinagot ng langit ang iyong mga panalangin. Bilang panimula sa iyong magandang kapalaran pagkakalooban ka ngayon ng mga kakilala at mga kaibigan na maaasahan na tutulong para makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw upang pasiglahin mo pang lalo at pasayahin mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa mga nakaraang tagumpay mo sa buhay. Kapag nagawa mag lalo kang maging pursigido. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na dininig na ng langit ang iyong mga hinaing at panalangin kaya makaaasa ka na anuman ang iyong hilingin hindi ka bibiguin ng langit. Lakihan mo na ang iyong hiling upang malaking suwerte at magagandang kapalaran din ang sa iyo ay dumating.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Dumating na ang takdang araw kung saan, ang mga nawawala sa iyo ay babalik na uli sa iyo, lalo na sa aspetong pangkabuhayan. Kaya nga ang payo ay nagsasabing wag mo uulitin ang pagkakamli mong ginawa noon mga nagdaang panahon.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Dirediretso lang ang ikot ng mundo, kaya ikaw din ay hindi dapat magpapalit-palit ng iniisip at pinaplano. Wag kang magpapalit ng iyong ambisyon dahil wala kang mararating kung magpapabago-bago ka ng direksyon.   Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Masuwerteng araw ito para sa ‘yo para simulan ang matagal mo nang binabalak na proyekto sa aspeto ng pagpaparami ng iyong kabuhayan. Umasa kang walang hahadlang, magtutuloy-tuloy na ang iyong pag-unlad at at tuluyang pag-angat sa buhay. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw upang tanggihan mo ang humihikayat sa ‘yo sa isang gawaing pagsasayang lang ng oras at panahon na alam mong wala namang kabuluhan. Sa halip, ituloy mo ang iyong mga ginagawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan at pagpapalago ng kabuhayan. Hindi mo ba napapansin, malapit na malapit ka ng magtagumpay, Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Ang pagiging abala mo sa hanap-buhay ay magliligtas sa ‘yo sa mga nakaabang na tukso. Kaya unahin mo ang pagpapaunlad ng iyong buhay ng sa ganoon ay hindi ka madaig ng tukso at ng tuloy-tuloy ka na ring uunlad  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Kasabay ng paganda ng kapalaran mo ay gaganda rin ang kapalaran ng mga taong malalapit sa ‘yo at ng mga taong nakatulong sa ‘yo. Maiiwan naman at mananatiling mahirap  parang pinagdamutan ng tadhana ang mga taong labis nang-alipusta sayo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwaran ka ng pagiging mabuti. Nakikitang lahat ng nasa itaas ang kabutihang ginagawa mo, kaya sa araw na ito huhulugan ka ng langit ng regalo na labis mong ikatutuwa dahil maiisip mong lalo mong matutulungan ang iyong kapwa at ang mga nangangailangan.   Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.