Online Horoscope Oktubre 25, 2021

527

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Tatanglawan ka ng buntalang buwan sa araw na ito. Kaya mapapansin mong papalaki na ng papalaki ang buwan sa langit. Sa gabing ito humiling ka langit at makakaasa kang ang iyong kahilingan sa iyo ay ipagkakaloob. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 38, 40. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Dadalawin ka ngayon ng suwerte at ang suwerteng dadalaw sa ‘yo ay suwerte sa negosyo. Mnanatili sa ‘yo ang suwerteng ito hanggang sa ikaw ay yumaman at umasenso. Kaya ito ang panahon upang magnegosyo ka ng kalakal na matagal mo ng plinaplano gawin pero hindi mo maituloy-tuloy. Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 33, 39, 43.

 GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Gusto mo bang makinabang? Makikinabang ka, kung sa halip na komontra, mas makabubuti sa ‘yo ang sumakay lang ng sumakay sa agos ng mga pangyayari.  Sapagsang-ayon sa mga sinasabi nila, ikaw ang unang-unang mabibiyayaan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  7, 11, 13, 20, 37, 43.

 CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang galit at init ng ulo ang magpapahamak sa ‘yo. Sa araw na ito, palitan muna ng pag-ibig ang pagkabugnot. Sa pagpapasensya at pagmamahal sa kapwa, susuwertehin ka at maguunahang magdaratingan sa iyong harapan ang magaandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 1, 19, 25, 31, 41, 45.

 LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Pag-iisipan ka ng masama ng mga lihim na taong naiingit sa ‘yo at ng mga lihim na kagalit mo.  Matutuwa sila sa bawat pagkabigo at kalungkutan mo. Ang hindi nila alam, yong masama nilang iniisip sa ‘yo ay sa kanila mangyayari at magaganap.  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 3, 12, 27, 30, 37, 42.

 VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ikaw ang panginoon ng iyong buhay. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil sa totoo lang hindi ka naman maawat lalo na buo ang loob mo. Habang lagi ng buo ang iyong loob, ang magandang kapalaran at suwerte ay lagi ng papabor sa ‘yo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 33, 42, 45.

 LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Aangat ka sa ngayon kaya lang madaragdagan ang iyong responsabilidad. Kahit na marami kang responsabilidad, unahin  ang personal mong saya. Sa pagiging masayahin, lalo pang bubuti at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 8, 13, 17, 40, 45.

 SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi mo makikita ang hinahanap mo. Bakit? Dahil sa totoo lang hindi mo rin talaga alam kung ano ang hinahanap mo sa buhay mo? Gusto mo bang makita ang hinahanap mo? Tumulong ka ng tumulong sa mga nangangailangan ng walang hinihintay na anomang kapakinabangan o kapalit – yan ang misyon mo sa mundo!   Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 8, 14, 19, 23, 31, 41.

 SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Naghahanap ka ng ligaya at sarap. Ito ay matatagpuan mo sa pagtatapon ng pera. Mag-ingat sa pag-gasta at bago mamili ng mga gamit na hindi naman gaanong kailangan, unahin mo muna ang pag-iipon. Pag maraming-marami ka ng naipon, puwede ka na uling mag-aksaya ng pera at gumastos ng gumastos.   Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 4, 16, 22, 28, 31, 44.

 CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi magkakaunawaan ang mga kumakalaban sa ‘yo. Dahil sa nakikita nilang pag-unlad mo, sila ay magkakagulo. Habang sila ay nagtatalo-tatalo, aandar namang mabilis ang kabuhayan mo, hanggang sa ma-agwatan mo na sila ng milya-milya. Kapag nakita nilang malayong-malayo ka na, magsisisi sila kung bakit hindi na lang sila sumanggayon sa iyo.   Mapalad na kulay ang  maroon.  Masuwerteng numero 6, 15, 18, 24, 38, 42.

 AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Isa ka ring mahina, pero pinalakas ka upang alalayan at gabayan ang tulad mong mga mahihina. Habang tumutulong ka sa mga mahihina at sa mga nangangailangan, lalong lalakas ang iyong kapangyarihan at lalong lalago ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 17, 25, 29, 37, 41.  

 PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Iiral ang malakas mong karisma sa araw na ito. Tatalunin ng kabaitan mo ang reklamo at di pag kagusto  ng mga makakausap mo, kaya papaboran nila ang mga bagay na hinihiling mo.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 16, 28, 34, 41, 44.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here