Online Horoscope Oktubre 17, 2021

453

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kikilos ang iyong kapalaran kaya sa ayaw at sa gusto mo makakagawa ka ng isang bagay na akala mo ay hindi maganda pero ang totoo pala ay ito ang magbibigay sa iyo na maunlad at masaganang pamumuhay. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Napakabisa sa iyo ang mga sandaling hindi ka kumikibo dahil sa ganitong diskarte sumusuko sa iyo ang mahal mo at lalo mo pa siyang mapapsunod sa lahat ang gusto mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.   

 GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Masuwerteng araw ito para sa pakikipagkaibigan. Mapapakinabangan mo sila sa iyong negosyo kaya lalo pang maiiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensya at karibal. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

 CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Bawasan ang iyong sobrang pagsisipag at pagpapagod. Oo mahalaga ang yaman at salapi sa mundong ito pero ang higit na importante ay ang iyong kalusugan at ang mahalaga ay yong wala kang sakit na nagpapahihirap sa ‘yo.  Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

 LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Dala-dala niya ay ginto pero ang ugali niya ay tanso. Kaya kunin mo ang kanyang ginto pero wag kag makikisimpatsa sa kanya at hindi dapat mahuhulog ang iyong loob sa kanya. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

 VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hihilahin ka ng iyong kapalaran sa malayong lugar na kung saan ay dapat kang magpatangay at wag kumontra, dahil naroon mismo sa malayong lugar at makakaharap mo ng personal ang tunay mong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

 LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Madidikit ka sa may magandang kalooban. Humahanga siya sa iyo dahil nakaaaliw kang kakuwentuha. Ang inyong pagsasama ay magbubunga ng maganda hindi lang sa perosonal kundi maging sa negosyo at sa kabuhayan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

 SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang dikta ng puso mo iyon mismo ang iyong sundin. Dahil hindi rason at isip ang magpapayaman at magpapaunlad ng buhay mo, kundi puso. Sa pagsunod sa iyong damdamin, ang suwerte at magagandang kapalaran ay magsisimula ng dumating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

 SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Makulay ang iyong buhay. Punong-puno ng masasayang kaganapan. Kung saan, marami pang sopresang pangyayari ang magaganap na panggagalingan ng dagdag pang suwerteng hindi inaasahang pagyaman. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

 CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag kang magtatangkang magpapayat dahil ang lihim ang iyong kapalaran ay nagsasabing habang pataba ka ng pataba, pataba rin ng pataba ang iyong bulsa.  At kung payat ka naman, marahil ay alam mo na ngayon kung bakit mapayat din ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

 AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag kang makihalo sa mga usapang wala ka namang kinalaman. Baka madamay ka at ikaw pa ang mapasama. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay ang aturgahin ng aturgahin ang mga bagay na pagkakaperahan at kung saan ka kikita ng malakaing halaga, dahil dininig ng langit ang iyong dalangin magsisimula ka ng ngayong umuunlad ng umaunlad at susuwertehin sa langaranngan ng salapi at materyal na bagay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

 PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Malaki ang posibilidad na mabihag ang puso mo ng isang bagong kakilala na labis mong hahangaan at hahangaan ka rin niya. Magkagayunman ito ay magiging panandalian lamang, kumbaga matatauhan ka at babalik sa kung sino ang talaga mong mahal. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here