Online Horoscope Oktubre 15, 2021

537

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nasa todong lakas ngayon ang iyong karisma. Puwede na nga rin masabing ikaw ngayon ay sobrang nakagagayuma. Dahil dito, magagayuma mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran kaya kahit na ito ay itaboy, babalik at babalik pa rin ito sa iyo ng may kasama pa at mas marami. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mabilis ang mga pangyayari sa ngayon sa iyong harapan, kailangang sabayan mo sila. Tulad ng isang sayaw na masaya, magmadali at bilisan mo rin ang mga pagkilos at aksyon. Dahil kapag mabagal ka ang ibang mga suwerte na para sa iyo na sana ay sa iba pa mapupunta. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kakaiba ngayon ang dating mo sa mga malalapit sa iyo dahil ang dating mga negatibong kilos mo ay mapapalitan ng mga positibong pagpapasya. At dahil unti-unti ka ng nagiging positibo sa iyong mga ginagawa at iniisip, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa na uling babalik at magsisilapitan sa ‘yo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magiging mabilis ang iyong pagyaman kapag nabuo na ang pasya mo na pumasok sa larangan ng pagenegosyo. Dahil bago ka pa isinilang inilista na ng langit ang iyong pangalan sa listahan ng mga yayaman ng todo dahil sa pangangalakal. Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mahiwaga ang mga pangyayaring lulukob sa iyong katauhan sa mga panahon ito. Hahanapin mo ang mga sandali na ikaw ay nalulungkot. Hindi mo ito makikita dahil ang saya at ligaya na iyong madarama ay sapat na para maalala ang lungkot, pero hindi mo madarama. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kakaiba ang suwerteng sa saiyo ngayon dahil ang pangyayari sa biglang tingin ay minalas ka ay siya pala mismong magiging dahilan ng pagkakaroon mo ng mas malalaking buenas at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kumuha ng buwelo! Ibig sabihin ay may malakas na puwersang darating. Kaya mamahinga ka muna ngayon at limitahan ang iyong mga kilos at pagpapasya. Dahil magagandang kaganapan ang nakaumang sa ‘yo sa susunod na mga linggo at araw kung saan, mas malalaking mga suwerte at mas malalaking mga buenas ang darating kaya muli bumuwelo ka muna. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Muli mong mararanasan sa ngayon ang kasabihang mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy na umuunlad ang iyong buhay, matulungin ka kasi at mapagbigay. Dahil sa ugali mong ito lalo ka pang bibigyan ng maraming suwerte at mga pagpapala ng langit.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Huwag mong isara ang pintuan ng iyong puso, maawa ka at mahabag. Isang naging bahagi ng iyong matamis na nakaraan ang nagbabalak na sa iyo ay muling makipag-ayos. Tanggapin mo siya ng buong puso at pagmamahal, tulad ng dati upang tuloy-tuloy ng dumating sa ‘yo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Magiging huwaran ka ngayon ng mga nabigo sa buhay pero hindi nagsisisuko sa hamon ng kapalaran. Dahil sa ‘yo at  dahil naging ganon ka rin naman dati, lalakas ang kanilang kalooban at ikaw ang magsisilbing inspirasyon nila upang patuloy pang lumaban hanggang sa manaig at tuluyang magtagumpay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Mamamasyal sa ‘yo ang mga dati mong kaibigan at mga nakasama kaya paghandaan mo rin sila ng magandang pakikitungo. Pakisamahan mo silang mabuti, dahil ang totoo maraming suwerte at magagandang kapalaran silang ipagkakaloob sa ‘yo. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Wag kang mag-alala kahit anupa ang nararanasan mong problema, mula sa araw na ito ang mga suwerete mo ay gaya ng mga naggagandahang dalaga na isa-isang lumalagay sa iyong harapan. Ibig sabihin hindi mapapatid ang dating ng iyong mga suwerte. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here