Online Horoscope Nobyembre 25, 2022

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon dahil mangyayari ulit na ang mga suwerte mo ay manggagaling sa mga taong may lihim na galit at inis sa iyo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lottio-2-15-16-22-24-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) Huwag kang magsalita kung napapansing mong mainit ang ulo ng iyong makakaharap. Hindi niya namamalayan na tila hindi sinasadya na ang ilang suwerte niya ay malilipat sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-21-25-29-30.

GEMINI (May 21-June 20)  Kikilos ang kapalaran mo nang palihim at walang makakahalata na ang mga suwerte ay biglang magdaratingan sa iyo.kaya magpatuloy ka lamang at wag mawawalan ng pag-asa  Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-25-36-38-42.

CANCER (June 21-July 22) – Nakakatuwang ibalita na ang humuhusga sa iyo ay huhusgahan ng langit, kung saan ang parusa sa utos na huwag mong husgahan ang kapwa mo ay mapapasakanya. Pagkabigo at kahihiyan ang agad niyang mapapala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-20-22-27-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) – Gawin mo ang kabaligtaran ng gustong mangyari ng taong utos nang utos sa iyo. Magugulat siya dahil hindi niya namalayan na siya ang sumusunod sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-24-41-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Ito ang araw na bubuksan ng langit ang pintuan para sa iyong mga kahilingan. Unahin mong hilingin ang kagalingan ng isang malapit sa buhay mo. Sa sandaling gumaling siya dahil sa iyong dasal, maraming pagpapala ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-18-21-29-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Nakakagalit ang mga pangyayari sa iyong harapan. Higit kailanman, hinahon ang iyong kailangan. Dahil ang galit ay negatibong puwersa na ikaw ay puwedeng magkasakit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-23-36-37-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Ang init at lamig ay magkahalo ngayon. Ang dalawa ay parang nagyayakapan. Para sa iyo, ang ganitong pangyayari ay nagbabalita na ang iyong mga kilos at pagod ay magbubunga ng maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-29-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Nakamasid ang langit sa mga tulad mo na ang iniisip ay kung paano paghahandaan ang kinabukasan. Matutuwa sa iyo ang nasa itaas, kaya langit mismo ang aayos ng landas upang matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-24-25-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Hindi ka pagdadamutan ng langit ngayon. Ipagkakaloob ang iyong mga kagustuhan at maging ang mga hindi mo nakuha sa pakikipagsapalaran ay ibibigay pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-23-35-39-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Ito ang araw na ang iyong pampasuwerteng iniingatan ay nasa todong lakas. Kaya lakasan mo rin ang loob mo at huwag na huwag kang mag-aalinlangan sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-20-25-26-30-35-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Bigla kang lumalakas, pero hindi ibig sabihin nito na maganda ang lahat para sa iyo. Pakinggan mo ang mga payo ng tao na higit na nakakaalam kung ano ang maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-23-24-28-33-38.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here