Online Horoscope ni ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 24, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 24, 2020, Sabado  – Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, bagkus may nektar pa sa loob ng kanyang talulot, matamis at masarap! Ganon din ang kapangyarihan mo, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Kaya naman sa susunod na mga araw, matatamis at masasarap na karanasan ang iyong mararanasan, na may dulot ding malalaking suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 27, 42, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) May mga taong sinusuwerte dahil nagsisikap at may mga tao rin namang sinusuwerte kahit walang ginagawa. Parehong mangyayari sa iyo ang nasabing senaryo. Habang nagsisikap at nagsisipag ka, susuwertehin ka at kahit na wala kang ginagawa at nakatunganga lamang, may mag-aabot sa iyo ng malaking ayuda. Kaya naman sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan, ihanda mo ang iyong sarili, dalawang malalaking suwerte ang iyong matatanggap. Mapalad ang kulay na gold. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 13, 22, 28.    

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ngayong panahong madalas dumating ang bagyo sa ating bayan, napapansin mo ba, kapag lumalambot ang lupa, madaling natutuwad ang mga punong kahoy at mga halaman. Hindi ka puwedeng lumambot ngayon at hindi dapat lumambot ang iyong desisyon. Kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay at lahat ng katuparan ng mga pangarap na matagal mong nais na maabot.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 18,  27, 29, 33, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hinihipan ng hangin ang mga sanga ng liryo sa parang kasabay nito, nakikisaya naman sa ihip ng hangin ang kanyang mga dahon. Sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan, tulad ng mga liryo sa parang magsaya ka, damhin mo ang ligaya ng buhay, umawit ka. Subukang ang mga awiting pamasko, at makikita mo, matapos mong umawit, mag-uuna-unahan ng dumating ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang pink Masuwerteng numero 5, 14, 19, 34, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog sa lupa at malalanta. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo naman agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran naman  ang magiging kasunod. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  7, 19, 16, 25, 39, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Tama ang ginagawa mo at may katuwiran ka, kahit sa FB lang at iba pang social media account dapat kang makipag-communicate sa mga tao. Dahil kung hindi ka makikipag-usap sa mga friends mo at kakilala, paano ka kikita ng malaking halaga? Mula ngayon, makipag-usap ka ng may ngiti, lambing at sigla sa iyong mga labi at tinig. Kapag nagawa mo yan, anuman ang hilingin mo sa iyong kausap, ay tiyak na ipagkakaloob. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 19, 28, 35, 41, 45. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, kailangan din ang caress at kailangan din ang romansa at pagmamahal. Gawin mo na ngayon, bago niya makahalatang mahina ka na, walang silbi at nalalaos na! Mapalad na kulay ang magenta.  Masuwerteng numero 1, 6, 18,  28, 39, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Paganda ng paganda ang iyong kapalaran at habang lumalapit ang kapaskuhan lalo pa itong gaganda. Oo, kahit na may ilang mga suliranin sa kasalukuyan, umasa kang madali mo lang itong malulutas hanggang sa tuloy-tuloy ka ng lumigaya. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 6, 18, 25, 33,  39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Bakit ka nalulungkot? Ano ba talaga ang kailangan mo sa panahong ito ng iyong buhay? Oo, mapapansing hindi mo kailangan ang mga kaibigan at lalong hindi mo rin kailangan ang awa o simpatsa.  Kung ganon, ano talaga ang iyong kailangan, ang kailangan mo ay dalawang bagay lamang – salapi at karangalan!  Ito ang magbibigay sa iyo ng tunay na saya at tagumpay, hanapin mo na ngayon! Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  4, 17, 26, 35, 40, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Iniisip mong mamili para sa darating na Halloween upang mabigyang kasiyahan mo ang mga bata, at iniisip mo ring mamili para sa nalalapit na kapaskuhan. Ang problema, kulang o wala ka ng gaanong budget. Ngunit ang iniisip mo ay nakikita ng nasa itaas. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit, pagkakalooban ka ng limpak-limpak at bulto-bultong salapi. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero  3, 12,  24, 33,  42, 45. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Oo mayaman ka na sa ngayon at may sobrang pera, kaya ang dapat mong gawin ay lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong,  bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 12, 19, 34, 41, 45.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kahit panahon ngayon ng pandemiya, Oo naman, hindi ka pupuwedeng mamalagi na lang sa loob ng bahay. Hindi ganyang buhay ang dinisenyo sa iyo ng kapalaran. Puntahan mo ang isang kaibigan, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at magandang kapalaran. Siya ay ang kaibigan mong Libra! Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 1, 5, 14, 28, 32, 44.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  2, 7, 28, 32, 42, 45.   ©PhilippineOne.com  2020

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here