Online Horoscope ni Mestro Honorio Ong, Oktubre 1, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 1, 2020,  Huwebes – Dahil kaarawan mo ngayon at unang araw pa  ng buwan, iyong-iyo ang araw na ito. Hawak mo sa mga kamay mo ang buong mundo. Ibig sabihin kung ano ang gusto mong mangyari, iyon mismo ang matutupad. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 6, 19, 24, 34, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Dadalawin ka ngayon ng suwerte at ang suwerteng dadalaw sa iyo ay hindi na aalis. Mananatili ito sa buong buhay mo hanggang tuluyan kang umasenso. May isang kundisyong lang hinihingi ang langit. Matapos kang suwertehin at sumagana ang iyong buhay, ibahagi mo naman ito sa mga nangangailangan. Mapalad na kulay ang green.  Masuwerteng numero 6, 14, 18, 27, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Habang ang iba ay nagbabalak na lumabas upang mamili ng kanilang mga gamit at pangangailangan, ikaw naman ay iniisip mong sa bahay na lang. Kaya lang wala kang magagawa, pipilitin at kukumbinsehin ka nilang luambas ng bahay. Sa labas ng bahay, bigla ka namang susuwertehin, makakapulot ka ng dating kaibigan na magbibigay sa iyo ng pagkakakitaan at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 1, 6, 18, 21, 27, 45.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung noong nagdaang araw ay parang Biyernes Santo ang buhay mo, puno ng mga problema at kalungkutan. Nakita ng nasa itaas ang pagdadalamhati mo. Sa araw na ito, isa-isa ng aalisin ng langit ang iyong mga pasanin at suliranin. Basta ang mahalaga ituloy mo lang ang pagiging maawain sa kapwa at madasalin. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 1, 5, 17, 23, 28, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Masuwerte ka. Kahit walang gaanong pagkilos mula sa iyo, kusang gaganda ang kapalaran mo. Ito ay dahil itinakda na noon pa ng langit na ngayon ay bubuwenasin ka. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 2, 6, 11, 16, 22, 28.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Mapangahas ang marami ng alam at marami ng karanasan. Mangangahas ka ngayong tumuklas ng kakaiba at kamangha-manghang bagay. Dahil alam mo, kahit ano ang mangyari, muli at muli kang tatayo at sa bandang huli ang kapangyarihan mo ang mananaig Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 22, 28, 38. ©PhilippineOne.com  2020

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mapapalaban ka ngayon sa debate dahil ang pag-uusapan nyo ay tungkol sa politika at relihiyon. Oo mananalo ka, pero pakiramdam mo hindi sapat ang mga paliwanag mo. Sa susunod, hindi ka kasi dapat makipag-debate, nasasayang lang ang iyong enerhiya na dapat sana ay magamit mo sa mga bagay na pagkakaperahan. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerteng numero 5, 8, 14, 25, 27, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Wala kang dapat na katakutan. Dahil tuloy-tuloy kang madidiligan ng pag-ibig at pagkalinga mula sa iyong mga mahal sa buhay.  Masaya sila kapag nakikita ka nilang umuunlad at nasasarapan  Ituloy mo lang ang iyong mga pagsisikap, ipinagdarsal ka nila at naririnig ng langit ang kanilang dasal. Malapit na malapit mo ng maabot ang langit at ang dulo ng iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  2, 12, 18, 22, 25, 36.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Hindi mo ba napapansin sa iyong sarili na palautos ka. Ito ay indikasyon lamang na sinasanay ka na ng kapalaran, sa mataas na posisyon na iyong hahawakan pagdating ng araw. Marami kang magiging tauhan at tatawagin kang “Big Boss!” Mapalad na kulay ang royal blue. Masuwerteng numero 1, 9, 10, 19, 29, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mag-aaya ka. Pero kung ayaw nilang sumama wag mong pilitin. Hindi nila batid, may dala-dala kang suwerte. Ang sinumang sumama sa iyo sa araw na ito ay susuwertehin din at magtatamo ng  magagandang kapalaran, kaya naman pilin mo lang mabuti ang mga yayayain mo. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  3, 15, 23, 24, 36, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakita ng langit ang iyong mga panganagilangan at mga paghihirap. Nakahanda na ang dadalin sa iyong suwerte upang ikaw ay lubos na masiyahan, bukod sa suwerte, darating din ang magaganda mong kapalaran upang hindi ka tuluyang talunin ng kalungkutan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 7, 8, 11, 19, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Unti-unti ng lumalamig ang panahon kasabay nito iihip ang malamig at masarap na hangin. Ngunit hindi ka dapat matakot. Pahimakas lamang ito na sa susunod na mga araw, may mga bagong suwerte at magandang kapalarang darating sa iyong buhay.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 4, 18, 22, 31, 34, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tulad ng multo, darating sa buhay mo ang malaking suwerte pero bigla rin itong mawawala. Hindi pa kasi handa ang pagkatao. Upang maging handa ang iyong pagkatao, alisin ang hinanakit at sama ng loob sa iyong puso. Kapag wala ka ng galit sa mundo, muling babalik ang suwerte ng doble at mas marami pa.  Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 3, 11, 13, 22, 35, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here