Online Horoscope ni Maestro Horoscope, Oktubre 26, 2020

Horoscope wheel chart

ARIES  (Marso 21 – April 19) Minsan pa sa panahong ito ng pandemiya muli mong ilabas ang lakas ng iyong loob. Gamitin ang lakas ng loob na ito at makakaasa ka na ang malaking tagumpay na noon mo pa gustong-gusto makamit ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  9, 18, 26, 37, 41, 44.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Ang magara sa kapalaran mo na wala sa iba ay babantayan ka ngayon ng mga anghel sa langit. Hindi ka maaano kahit na magsilabasan pa ang mga mabibigat na problema at suliranin sa iyong buhay.  At dahil binabantayan ka ng iyong anghel dela guwardiya anumang kailangang-kailangan mong hilingin lalo na sa pagpapagaling at sa materyal na bagay ay tiyak na ito ay ibibigay at ipagkakaloob sa yo.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 6, 13, 21, 24, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Oo medyo nakukulangan ka pa sa mga biyayang natatanggap mo at alam yan ng nasa itaas. Kaya naman kikilos ang langit at magdadagsaan ang suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na olive green. Masuwerteng numero  5, 7,  14,  20, 25, 32. 

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Wag kang maiinip, dahil nagsisimula muna sa ambon ang ulan bago tuluyang lumakas ng todo. Ganon din ang iyong suwerte, paisa-isang patak muna, pero habang nagtatagal, darami na ng husto ang buhos ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na ang kulay na green. Masuwerteng numero 6, 16, 19, 29, 34, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Nagbabalak kang ibagsak ng mga naiingit sa iyo at ng mga nakaka-intrigahan mo. Ngunit dahil mabagsik ang iyong kapangyarihan sa ngayon, sila na nagbabalak ng masama sa iyo ang ibabagsak ng langit – sila ang mapapahamak at malalagay sa sobrang kahihiyan.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 4, 13, 28, 32, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Matatag na pagkatao ang regalo sa iyo ng langit. Gamitin mo ito sa bawat hamon ng kapalaran. Makaaasa ka na susuko sa iyo ang lahat ng pagsubok at mga problema. At dahil susuko sa harapan mo ang mga problema, sa dakong huli malaking pagwawagi na may kasamang suwerte at magagandang kapalaran ang iyon maiuuwi.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 4, 17, 20, 28, 29, 35.  

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Minsan pa, inuutasan ka ngayon ng iyong kapalaran na lasapin ang ga suwerteng nasa sa iyo na. Ibig sabihn, kahit panandalian lang ay namnamin mo ang lasa ng masarap mong buhay. Gawin mo ang isang bagay na nagpapasaya sa yo – mag-shopping, kumain ng masarap o kaya’y mamasyal kung saan-saan. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 6, 12, 27, 33, 36.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Iyong iba ay sinusubok kaya kaunting problema lang ay madaling sumusuko. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang sinusubok ka ng langit, lalo ka namang tumatatag at tumatapang pa ng husto. Ang isa pang magandang balita, ang lahat ng pagsubok ng darating sa iyong buhay, ay magagawa mong oportunidad upang lalo pang gumanda ng gumanda ang iyong kapalaran. Mapalad ang kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  7, 11, 25, 31, 36, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Pasalamatan mo ang mga munting biyaya na iyong natatanggap. Ganon din ang suwerte at magandang kapalaran, habang pinapahalagahan mo at pinasasalamatan, darami iyan ng darami, hanggang sa maging isang dambuhala at napakalaking suwerte na halos hindi mo na mabilang sa sobrang laki at dami. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 12,  21, 33, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa panahong ito ng pandemiya matapos kang subukan ng tadhana, ikaw ay tila muog na bakal, lalong titibay. Ang tibay mong taglay ang magsisilbing puhunan upang matupad mong lahat ang iyong inaambisyon sa buhay hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 17, 28, 32, 42, 45. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, iihip ang hanging amihan dadampi sa iyong pisngi. Biglang magbabago ang iyong pakiramdam. Kung ano ang mga pinapangarap mo ay isa-isang magkakaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 4, 13, 17,  32, 35, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Mapaparam at mawawala na ang mga hinanakit mo at mapapalitan ng labis na kagalakan sa sandaling dumating na ang malalaking suwerte na regalo sa iyo ng langit. Basta maging madasalin ka at alisin ang galit at pagmamaktol sa iyong puso at isipan. Ang regalong ito ng langit ay agad mong matatanggap. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 28, 41, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here