Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 29, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 29, 2020,  Martes – Dininig ng langit ang matagal mo ng dalangin. Sa araw na ito isa-isa ng magsisimulang matupad ang mga pangarap at ambisyon mo sa buhay. Bilang  ganting pasasalamat magpakain ka sa iyong minamahal at sa mga mahihirap at sa mga kapos-palad, upang lalo pang magtuloy-tuloy ang dating ng iyong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 6, 15, 23, 33,  43.  ©PhilippineOne.com  2020

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kabilang ka sa mga kakaunting nilalang na paulit-ulit na makakaranas ng masasarap na buhay. Kaya hindi nakapagtatakang ang maliit at malalaking suwerte ay dating ng dating din sa iyo. Kaya naman dapat lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  3, 9, 15, 33, 39, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kahit ikaw ay magugulat sa sarili mo. Hahanapin mo ang masayahing ikaw pero hindi mo siya makikita. Hindi na ikaw ang dating masaya dahil kinukubabawan ka ng problema. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Hahawiin ng langit ang iyong mga suliranin, upang pagpasok ng 2021, muli na namang bumalik ang dati ikaw na masaya. Mapalad ang kulay ang magenta. Masuwerteng numero  6, 13, 25, 27, 28, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nasa mataas na level ang iyong likas na gayuma at pangakit. At upang mapatunayan mo, ikaw ay hinahamon ng makipagkita sa iyong kursunada. Isa lang ang magiging resulta, mai-in-love siya sa iyo. Mapalad na ang kulay na red. Masuwerteng numero 1, 6, 15, 19, 33, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pakinggan mo ang mga suhestiyon ng ilang malalapit sa iyo. Ang payo nila ay makatutulong sa iyo upang lalo pang umangat ang iyog kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umasenso at yumaman. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 5, 10, 14, 17,  34, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Madaling nalulutas ang mga suliranin kapag walang nang-iintriga at kapag hindi mo pinatulan ang mga taong naiinggit at naninira sa iyo. Sa araw na ito inuutusa ka ng nasa itaas na magpasensya at manahimik. Kapag nagawa mo yan, hindi na lang pansinin ang mga taong naiinggit sa iyo mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang applen green.  Masuwerteng numero 1, 4, 6, 18, 28, 34.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May bagong uusbong na mga dahon sa dinidiligan at inaalagaan mong mga halaman. Magalak ka at magsaway, dahil ang mga bagong uhay na dahong ito ay nagbabadya ng biglaang pagbabago sa takbo ng iyong buhay na ang ibinabalita ay para sa lalo pang ikagaganda ng iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 7, 11, 16, 29, 34.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Kung magagawa mo, kahit panahon ng pandemiya basta ingat ka lang, mamasyal ka sa lugar na kung saan, iyong naraanasang sumaya at pagkatapos ay kumain ka ng paborito mong pagkain, mamili at mag-shopping ka, upang ang mga problema mo ay iyong malaho. Mapalad na kulay ang lilac.  Masuwerteng numero 3, 9, 18, 24, 27, 33. ©PhilippineOne.com  2020

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Muling matatala sa iyong aklat ng kapalaran na masuwerte ka sa araw na ito. Sobra kang sasaya kaya makakalimutan mo na ang pangako mo sa iyong sarili na ititigil mo na ang iyong mga bisyo. Tumigil ka na as iyong mga bisyo, dahil alalahanin mong ang tagumpay at ligaya ay kaakibat din ng malusog at mahabang buhay.

Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  2, 9, 13, 17, 27, 36.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Masyadong malakas ang iyong likas na kapangyarihan. Kaya naman lahat ng hangarin at gustuhin mo ay mapapa sa iyo. Itutok mo ang iyong sarili sa pagpapaunlad ng kabuhayan upang ang iyong kapangyarihan ay lubos mong mapakinabangan.  Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero3, 6, 15, 29, 32, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Dahil malakas ka kasi, kaya ang nangyayari tuloy ikaw ang nagiging kanlungan ng mga nananamlay. Ikaw din ang sandalan ng mga bigo sa buhay. Sa iyo rin lumalapit ang mga  sawi sa kabuhayan. Tulungan mo sila ng isang beses pero wag madalas, dahil ang paulit-ulit na pagtulong sa mga taong hindi nagsisikap ay pangungusinte na sa kanilang maling kalagayan. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero  2, 4, 14, 20, 29, 31.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka nakahanda sa biglang pagbabago ng iyong kapalaran. Ganon paman, handa ka man o hindi kaman handa, babaguhi na ng langit ang iyong kapalaran. Matapos mong makatanggap ng maraming suwerte at magandang kapalaran,  ang araw na ito ay tatawaging:  “Pagbabagong buhay!” Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 28, 34, 40. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lihim kang matutuwa dahil ang isang tao na noon mo pa pinagdarasal na magbago ay magbabago na. Tuloy-tuloy ng hihipuin ng langit ang kanyang puso, upang tuluyan na rin siyang bumuti  at tumino. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 7, 11, 16, 20, 25, 29

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here