Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 28, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 28, 2020,  Lunes– Pipiliin ka ngayon ng nasa itaas sa isang pambihirang misyon. Ikaw ang magiging daluyan ng mga biyaya at pagpapala para sa iyong kapwa. Hindi mo ito dapat na tanggihan, dahil ang mga sobrang suwerte at magagandang kapalaran ay ikaw ang mag-aani at maraming sosobra para naman sa iyong pamilya at sa mga mahal mo sa buhay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 27, 33, 36, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa iba ang galit ay nagpapahamak, pero ang sa iyo ay kakaiba. Habang nagagalit ka at nanggigigil lalo kang magtatamo ng karagdagang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay yellow.  Masuwerteng numero 9, 18, 27, 33 36, 45.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi dapat magtagal ang tanong mo sa iyong sarili kung ano ang bagay na negosyo para sa iyo. Kung ano ang hilig ng isang tao, doon siya aasenso at yayaman. Kumilos ka na ngayon! Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 2, 6, 11, 15, 25, 29.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Bakit ka gagasta ng sobra-sobra? Dyan magsisimula ang pagbagsak ng iyong kabuhayan. Ito ang panahon upang magtipid. Habang nagtitipid ka pinapanood ka ng nasa itaas, sa susunod na mga araw dagdag na suwerte at magagandnag kapalaran ang iyong matatanggap. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 15, 26, 33, 42, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kulang ka sa kilos, kaya ayaw pang pumutok ng husto ang bunga ng iyong suwerte at malaking tagumpay. Kapag sumasagi sa isipan mo ang takot at pagaalinlangan, sabihin mo sa iyong sarili: “Kaya ko ‘to!”  Pinapanood ka ng nasa itaas, kaya simula ngayon, lahat ng bagay na sinabi mo sa sarili mong “Kaya ko ito,” ay ipagkakaloob na sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang navy blue. Masuwerteng numero 2, 11, 29, 34, 42, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Paminsan-minsan ang tao ay hindi dapat nagpapakita ng sobrang kabaitan. Tulad ngayon, may babala na abusuhin na naming muli ng mga taong naiiingit at nang-iintiriga sa iyo ang iyong kabaitan. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero  1, 4, 13,  20, 22,  31. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Isang napakagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit ng walang kahirap-hirap. Hintayin mo ito at malapit na malapit ng dumating. Mapalad na ang kulay na sky blue. Masuwerteng numero 5, 10, 19, 22, 37, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Walang silang karapatan na ikaw ay husgahan. Hindi nila alam kung ano ang dinadala mo sa kasalukuyan at kung bakit ka nagkakaganya. Kaya sa kanila isa-isang malilipat ang iyong mga suliranin, habang ang dalahin mo ay unt-unti ng gagaang at mapaparam. Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero 2, 4, 11, 16, 28, 32. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Bakit inaaksaya mo ang iyong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang gawain? Panahon na upang ipriority mo ang personal mong sarap at kaligayahan. Ito ang tamang araw, upang gawin mo ang isang bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. At ang mabuting balita, kahit hindi mo ito matapos, ang langit ang tatapos nito para sa iyo. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  2, 13, 19, 29, 37, 43.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Minsan hindi tama na ikaw ang utos ng utos habang ang nasasakupan mo ay sunod lang ng sunod sa iyo. Sa panahong ito ng pandemiya ikaw naman ang sumunod sa mga nakatataas at sumunod ka na rin sa utos ng iyong mahal, upang hinid naman siya makahalata na labis mo siyang inaunder. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero 3, 12, 18, 21, 27, 33.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Lahat ng bagay ay dumadaan muna sa hirap bago magtagumpay. Ganon din ang naka-pattern sa iyong kapalaran, pagkatapos na pagkatapos ng maraming tiiisin at paghihirap, ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas ang sobrang yaman at napakasaganang kabuhayan. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 8, 10,  25, 28, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Aminin mo, nakakaramdam ka ng excitement at saya ngayong malapit na ang Disyembre? Ito ay isang malinaw na palatandaan ang mga malalaking suwerte ay ilalagay mismo ng langit sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 4, 6, 18, 28, 31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Punumpuno ng mga katanungan ang iyong isip. Sa trabaho, sa pakikipag-relasyon, sa kinabukasan, at maging tungkol sa pamilya at kaibigan. Wag mo na itong pakaisipan pa, darating ang araw kusa naman sa iyong ipagkakaloob ng langit ang lahat ng bagay na gusto mo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 4, 7, 11, 17, 43.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here