Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 27, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 27, 2020,  Linggo – Dahil birthday mo ngayon, reregaluhan ka ng langit. At ang regalo sa iyo, ay ang lahat ng hindi mo kaya, ay kakayanin mo at iyong mga dating nakabinbin mong trabaho ay matatapos mo. Pagkatapos mong maisakatuparan ang lahat ng ito sunod-sunod na suwerte ang darating sa buhay mo na magsisimula na ngayon. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero  3, 5, 9, 18, 27, 36.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Suwerte ka ngayon at patuloy na pagpapalangin ng langit. Kaya walang sinumang pupuwedeng sumalungat sa mga kagustuhan mo. Ang isang bangka na sumalungat sa alon at nawawasak, ganon din ang sasapitin ng mga taong kokontra sa iyong  kagustuhan.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 15, 27, 33, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Sisinagan ka ng nasa itaas ng bagong liwanag na magbibigay sa iyo ng bagong suwerte sa araw na ito, upang mapawi na ang iyong mga suliranin at problema. Dahil dito mula  ngayon, lalakas na ng todo ang iyong kapangyarihan. Mahihigop ng iyong pagkatao ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 6, 15, 18, 22, 34, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mahina ka ngayon, pero sa susunod na mga araw palalakasin ka ng langit. At dahil palalakasin ka ng langit, ang mga suwerte at magagandang kapalarang hindi mo nakamit noon ay isa-isa  ng darating ngayon ng mas maganda at mas bongga-bongga pa. Mapalad na kulay ang metallic blue. Masuwerteng numero 5, 17, 32, 39, 41, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag kang kabahan! Hindi ka dapat na mag-alala, kakampi mo ang langit. Anuman ang iniisip mo sa kasalukuyan at inaasahan, ang nasa itaas ang maghahatid nito sa iyong harapan. Mapalad na ang kulay na pink. Masuwerteng numero 2, 9, 16, 29, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ito ang araw na may tatalunin ka hanggang sa ikaw ang tuluyang magwagi. Ang tatalunin mo ay ang mga intriga at ang mga taong naninira sa iyo. Habang ginagapi mo sila, isa-isang magdaratingan ang suwerte at magaganda mong kapalaran, habang ang mga taong naiingit, naninira at nangiintirga sa iyo ay isa-isang ibabagsak ng langit. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 41, 44. ©PhilippineOne.com  2020

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May May matatanggap kang regalo na yari sa metal at magugulat ka, kasabay ng regalong ito maraming suwerte at magagandang kapalaran ang maguunaunahang darating sa buhay mo. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 13, 23, 36, 38, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Lalakas ng todo ang iyong kapangyarihan. Hindi makatatanggi sa iyo kung sinomang tao na gusto mong utusan. Hindi mahalaga kung ayaw niya ang inuutos mo sa kanya, dahil wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa  kagustuhan mo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 12, 33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  May mahiwagang lakas na gagamit sa iyo ngayon, pabayaan mo lang. Oo, sa araw na ito gagamitin ka ng langit upang gumanda at maayos ang kalagaya ng buhay ng mga tao. Hindi ka dapat tumanggi dahil matapos mong  gawin ito maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 33, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Ang kapangyarihan at ambisyon mo ay walang hanggang at ito ay nakatakda mong makamit. Ang isa pang mangyayari ang kaharian at ang kayamaman mo ay wala ring hanggang. Sa iyo talaga ito simula’t-simula pa, at nasa sa iyo ng pagpapasaya kung paano mo ito pakikinabangan at gagamitin. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  3, 9, 18, 27, 36, 39.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Layuan mo ang mga taong duwag at negatibo, hindi sila makakatulong sa pinapangarap mo. Lumapit ka at dumikit sa mga taong matatapang at positibo, sila ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte at tagumpay. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 5, 8, 14, 28, 37. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sa panahong ito ng pandemiya hindi lang materyal na tulong ang handang ipagkaloob sa iyo ng langit. Nakikisimpatsa din siya sa iyong pagkabagot  at kalungkutan. Kaya padadalan ka nya ng isang taong magpapaligaya sa iyo. Sa sandaling siya ay dumating, hindi mo siya dapat tanggihan. Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  2, 7, 13, 20, 22,  29. 

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nakatutuwa ang kalagayan mo sa ngayon. Sa kabila na hindi ka naman gaanong mayaman, nagagawa mo pa ring tumulong ng lihim sa mga nangangailangan.  Dahil dito, bagamat lihim ang iyong ginagawa, nakikita ito ng nasa itaas, kaya naman kahit kailan, basta’t humiling ka lang, hindi ka pagkakaitan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang crystal green. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 28, 31, 38.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here