Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 24, 2020

Horoscope wheel chart

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang kasunod. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  3, 6, 9, 18, 27, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kahit na may pandemiya pa sa kasalukuyan, hindi ka dapat malungkot.  Kahit hindi ka masyadong marunong kumunta, humimig-himig ka lang mag-isa. Subukang ang mga awiting pamasko, at makikita mo, matapos mong umawit, mag-uunahan na ang suwerte at magandang kapalarang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 15, 21, 24, 42, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Inuutusan ka ng tadhana na wag matakot at magmatapang. Panahon na upang ikaw ay mabuhay sa hindi puro isip at pangarap lamang. Kumilos ka at sa araw na ito anuman ang ikikilos mo, papaburan ka ng langit, tiyak na ikaw ay magtatagumpay at magwawagi. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 13, 19, 23, 28, 39.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  2, 7, 9, 25, 34, 41.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, caress at romansa. Gawin mo ito sa kanya ngayon, bago niya mahalatang lagi mo siyang pinangungunahan at dinodominahan. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 1, 10, 19, 23, 28, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Iniisip mo kung paano ka susuwertehin at kung paano lalo pang gaganda ang buhay mo. May nanonod at nakikinig sa mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit, magdaratingan ang ibat-ibang uri ng suwerte sa iyong harapan. Bukod sa masayang pag-ibig, bigla kang makakatanggap ng malaking halaga, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at tuluyang sumaya ang buo mong pagkatao. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero  5, 10,  21, 31,  33, 44. 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, may nektar pa sa loob ng kanyang talulot. Ganon din ang kapangyarihan mo, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Ito ang propteksyon mo kung bakit hindi ka tinatablan ng kamalasan. Ang lahat ng naiingit sa iyo ng lihim at naninira, ang silang malalagas ang kapalaran.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 6, 15, 21, 24, 29, 33.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Hindi ka dapat magdalawang isip at hindi ka rin dapat na matakot. Sa araw na ito papatnubayan ka ng nasa itaas, kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay. Mapalad na kulay ang maroon.  Masuwerteng numero 1, 9, 18, 22, 27, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Alam mo ba kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran sa araw na ito? Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap, at ibulong ang katagang: “Mapapasunod kita!”  Anuman ang hilingin mo sa kanya ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 1, 9, 14, 18, 28, 38.  ©PhilippineOne.com  2020

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari din sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag, at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa. Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila,  ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 8, 13,  17, 41, 44.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) May ipinapagawa sa iyo ang langit sa araw na ito. Inuutusan ka na puntahan mo ang isang kaibigang isinilang sa zodiac sign na Libra, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 6, 14, 24, 27, 45.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong, bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  2, 7, 11, 20, 34, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here