Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 24, 2019

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 24, 2019,  Martes –  Gagana ang isang pormula sa araw na ito kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap, at ibulong ang katagang: “Minamahal kita!”  Anuman ang hilingin mo sa kanya ay tiyak na susunod siya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 32, 42, 45. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang kasunod. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 10, 16, 25, 34, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilag ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mamuno, mag-utos at maging maligaya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 9, 27, 37, 41, 42.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Lumalaki at lumiliit ang tubig sa dagat, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong,  bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 12, 15, 34, 39, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag lumambot ang tsokolate ito ay madaling natutunaw. Hindi dapat lumambot ang iyong desisyon. Kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 1, 18,  29, 32, 40, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Umaawit ag ibon at umaatungal ang leon. Ginagawa ng mga hayop ang ganitong mensahe kapag may kakaibang saya at sigla ang kanilang puso. Sa araw na ito aawit ka rin sa tuwa at saya at aatungal ka sa sobrang tuwa sa sandaling natanggap mo na ang kakaibang suwerteng ipagkakaloob sa iyong langit. Mapalad ang kulay na dilaw. Masuwerteng numero 1, 18, 28, 34, 40 at 45.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi ka pupuwedeng mamalagi na lang sa loob ng bahay. Hindi ganyang buhay ang dinisenyo sa iyo ng kapalaran. Puntahan mo ang isang kaibigan, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 44.  

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Paganda ng paganda ang iyong kapalaran, katulad ng iyong kariktan, lalo pang gumaganda sa bawat sinag ng araw ngayong panahon ng tag-ulan. Oo, kahit na may ilang mga suliranin sa kasalukuyan, umasa kang madali mo lang itong masusulosyunan hanggang sa tuluyan ng  maparam at ang magiging kapalit nito ay suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 17, 26,  33,  42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi lang ganda ang taglay ng isang rosas, taglay din niya ang tinik. Ganon ang mangyayari sa iyong kapalaran ngayon, para sa iyong mga kaaway, pasakit at hirap ang ibibigay ng langit, para naman sa sarili mo at sa mga mahal mo sa buhay, matamis na nectar at kakaibang halimuyak ang kanilang matatanggap. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 15, 24, 34, 39 at 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Iniisip mo nang mamili para sa nalalapit na kapaskuhan. Ang problema, iniisip mo rin kung saan, kukuha ng pera. At iniisip mo rin baka kapos ang mahahawakang pera. May nanood ng mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit.  Bigla kang makakatanggap ng malaking halaga, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at tuluyang sumaya ang iyong isipan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  21, 31,  33, 44. 

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari din sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag, at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa.  Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila,  ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 13, 24, 37, 41, 45.    

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi sapat ang salapi sa pagpapatatag ng relasyon. Kailangan din ng lambing, caress at pagmamahal. Gawin mo ito sa kanya ngayon, bago niya makahalatang lagi mo siyang dinodominahan, inuuto lang at pinangungunahan. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 18,  23, 33, 42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Hindi payo ang iyong kailangan! Hindi mo rin kailangan ang kaibigan! At lalong hindi mo rin kailangan ang kalinga! Kung ganon, ano talaga ang iyong kailangan? Pera at Kalayaan! Ito ang magbibigay sa iyo ng tunay na saya at tagumpay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 17, 24, 36, 40, 44.

SHARE
Previous articleANG MISTERYO NG BUHAY PAG-IBIG NI JESUS CHRIST NA NAKATALA SA ‘BOOK OF URANTIA’
Next articleChinese Horoscope; Setyembre 24
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here