Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 23, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 23, 2020, Miyerkoles – Kung sa iba ay paisa-isang biyaya lang ang natatanggap sa iyo ay laging doble. Ganon din ang suwerteng  darating sa iyo, hindi lang marami – parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng iyong magandang kapalaran, lalo na sa panahong ito ng pandemiya, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong mga biyaya at suwerte mong natatanggap.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5, 9, 14, 15, 28, 33.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na sa kabila ng pandemiya na nararansan ng mundo patuloy na pamumulaklakin at pasasaganain ng nasa itaas ang bunga ng iyong mga pagsisikap sa halamanan ng iyong mga karanasan. Ibig sabihin, kahit ano pa ang nararanasan mo ngayon, patuloy kang papadalan ng suwrete at magagandang kapalaran ng langit na dapat mo namang ipagpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa mga tapng kapos-palad. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 9, 21, 27, 33, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Mabigat ang problema ngayon ng mundo at ang sa iba sa panahong ito ng pandemiya ay sobrang bigat pa. Ngunit sa kaso mo, lagi kang sinusubaybayan ng nasa itaas, anumang bigat ng iyong prolema sa kasalukuyan, kikilos ang kamay ng langit, hihipuin ka, upang pawiin ang lahat ng iyong mga suliranin, upang pagkatapos padadaluyin sa buong pagkatao mo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 27, 34, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Matamis na salita ang dapat mong bigkasin sa ngayon. Alalahanin mong lagi na madaling naaakit ang mga bubuyog sa matatamis na mga bulaklak. Ganon din ang gawin mo, tamisan mo ang salita sa sinumang lalapitan at hihingan mo ng favor. Kapag nagawa mo yan, kahit na ang taong napakahirap lapitan ay hinding-hindi sa iyo makataatanggi. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 5, 14, 16, 23, 35, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat tamarin, kailangang maging produktibo ka upang ang suwerte at magandang kapalaran ay masigla ding dumapo sa iyo. Unahin mo ang madadaling proyekto na iyong nasa isip at isnunod mo na lang ang matatagal at medyo mahirap gawin. Basta gawa ka lang ng gawa, at wag ng gaaanong mag-iisip pa, ang suwerte at magandang kapalaran ay maguunahan ding dumating sa buhay mo. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 1, 7, 11, 20, 25, 29.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na inaanyayahan ka ng nasa itaas na ituloy mo lang ang pagpapaganda at pagpapabuti sa iyong sarili. Wag mong intindihin ang mga naninira, naiingit at nangiintriga sa iyo. Nagpasya na ang nasa itaas, ikaw na mahilig magpaganda ay lalong padadalan ng suwerte at lalo pang papagandahain ng langit ang iyong kapalaran, habang sila na naninira at naiingit sa iyo ay padadalan din ng langit, ang ipadadala sa kanila ay kamalasan at kahirapan ng buhay.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 1, 7, 10, 13, 19, 37.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Itabi mo muna ang lahat ng inaakala mong pampasuwerte na nakakabit sa iyong katawan, dahil ang pinakamabisang lucky charm mo ngayong ay ang iyong minamahal. Saan ka man pupunta o kaya naman ay may transaksyong pipirmahan, lagi mo siyang bitbitin at wag na wag mong iiwan. Kapag nagawa mo yan, magsisimula na ngayong suwertehin at bigyan ng magagandang kapalaran ng langit ang inyong buhay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 6, 14, 21, 24, 32. 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong kasuyo, tuparin mo. Dahil tulad ng paulit-ulit nang nakatala sa aklat ng iyong kapalaran, patuloy na darating ang mas marami pang suwerte, habang ikaw ay nagma-mahal. Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, tuloy-tuloy kang susuwertehin, kahit sabihin pang panahon ng pandemic, delubyo at kalamidad. Mapalad ang kulay na dirty white. Masuwerteng numero  6, 15,  24, 33,  39, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ito ang araw na hindi mo puwedeng ipilit ang iyong gusto at ang iyong katuwairan sa ibang tao na ayaw maniwala sa iyo. Hayaan mo sila sa kanilang paniniwala. Habang ikaw, ay patuloy mo lang gawin ang alam mong tama. Pinapanood lang kayo ng nasa itaas, sa susunod na mga araw, ikaw ay patuloy na susuwertehin at uunlad, habang sila na hindi naniniwala sa iyo, ay isa-isa ng ibabagsak ng langit.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  4, 9, 12, 18, 24, 36.    ©PhilippineOne.com  2020

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  May tuksong darating ngunit hindi mo naman ito dapat na patulan. Sa halip, ang mas mabuti mong dapat gawin sa ngayon ay itutok mo lang ang iyong isip at katawan sa trabaho upang makaiwas ka sa mga tukso. Kapag patuloy pa ring lumapit sa iyo at hindi mo na talaga magawang tanggihan, kahit na masarap at masaya, dagdag na pag-iingat  pa rin ang dapat. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero  3, 6, 9, 24, 36, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwaran ka ngkasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong galing, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 26, 33, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kmustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. May magandang oportunindad siyang ibabalita sa iyo na pareho ninyong ikatutuwa at ikauunlad. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 4, 19, 28, 36, 40, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kapag kulimlim ang panahon, nagiging kulimlim din ang kapalaran n iba. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kapag kulimlim ang panahon, medyo maulap ang langit at bahagyang umaambon-ambon.  Ito ang pinaka-paborableng araw sa iyo.  Gawin mo ang lahat ng mga bagay na maibigan mo at makikita mo, ito ay magkakaroon agad-agad ng katuparan. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero  3, 7, 10, 19, 25, 38.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here