Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 22, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 22, 2020,  Martes – Maraming nagtayo ng kastilyo pero sa buhangin lamang, kaya ito ay hindi nabuo sa halip, tinangay lang ng alon ng dagat. Pero ang sa iyo ay kakaiba, itatayo mo ang iyong pangarap at ambisyon sa matibay na pundasyon, kaya naman ito sa takdang panahon ay talagang mapapa sa iyo at makakamit mo. Mapalad na kulay ang silver and gold. Masuwerteng numero  6, 14, 19, 24, 28, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na magugulat ka sa mga pagbabagong magaganap. Ang isa sa mga pagbabagong ito ay biglang matutupad ang isang pangarap na noon mo pa nais na mangyari. Pasimula pa lamang ito ng sunod-sunod  na magagandang kapalarang matatanggap mo sa mga huling buwan na ito ng 2020. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 33, 39, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Huwag mong hayaang kubabawan ka na naman ng kalungkutan. Labanan mo ito dahil hindi maganda na makita ng mga tao na ikaw ay nananamlay at lulugo-lugo. Humahanga pa naman sila sa iyong pagkatao at sa iyong kakaibang kagadahan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 6, 12, 24, 27, 31, 42.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Ipakita mo sa iyong mga kasama na masaya ka. Huwag kang magtaray at ‘wag ding magagalit. Kapag masaya ka, sasaya din ang iyong kapalaran at ang lahat ng kaganapan ay sasaya din. At kapag masaya ka, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 14, 19,  25, 34, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magtiwala ka sa sarili mo! Ipakita mo sa mundo na may kakayahan kang abutin ang iyong mga ambisyon. Kapag buo na ang tiwala mo sa iyong sarili, ipagkakaloob na ng langit ang anumang aambisyunin mo sa buhay. Pero ang tanong, may ambisyon ka ba talaga? Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero  2, 7, 13, 16, 22, 34.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Dumarami ang mga kaibigan mo. Ilan sa kanila ay makakatulong sa iyo sa hinaharap at sa kasalukuyan. Magkagayunman, mag-ingat ka sa pakikisama dahil ang iba sa kanila ang gusto lang ay ang maisahan ka.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  1, 4, 13, 17, 28, 35.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Mas magiging masaya ka kung hindi mo na pupulaan at pipintasan ang iyong kapwa.  Ang dapat mong gawin ay sumangayon, pumuri at maniwala ka sa ibang paninindigan. Kapag ganyan ka magsisimula ng dumating sa iyong buhay ang suwerte at magagandang kapalaran na ipagkakaloob mismo sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  5, 7, 17, 22, 25, 33.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Lilitaw ang iyong napakalakas na gayuma. Ang sinumang matitigan mo ay parang mahihipnotismo na kung ano ang iyong sabihin siya ay oo lang ng oo sa iyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 9, 15, 24, 33, 42. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Marami ang kokontra sa iyo. Pero magkakaroon ka ng kakampi ng higit sa kanila ang galing at kapangyarihan. Ang magiging kakampi mo ay ang langit kaya kahit na anong kontra nila at tanggi sa panukala mo, sa bandang huli, hindi sila ang makapananaig  sa iyong kagustuhan.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 7, 9, 13, 25, 27, 39.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kahit na may pandemiya pa sa buong mundo, ngayon pa lang ay mag-ipon ka na ng pang-regalo para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang marereghaluhan mo, dahil ang lahat ng regalong manggagaling sa iyo at mahahawakan ng mga kamay mo ay maaari nilang gawing lucky charm.  Mapalad na kulay ang blue.  Masuwerteng numero 5, 9, 14, 18, 23, 24.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kaya mong patumbahin, kahit gaanong kalaking problemang ilalagay sa iyong harapan. Malakas ka at matapang kaya walang  pag-aalinlangan na ikaw ay aani ng malalaking suwerte at tagumpay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 4, 10,  13, 17, 25. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Tuparin mo ang iyong pangako sa isang tao na nakatulong sa iyo. Sa ibang panahon muli ka na naman niyang tutulungan. Kung hindi mo naman tutuparin ang iyong mga pangako, sa ibang panahon, baka wala ng tutulong sa iyo.  Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  4, 7, 16, 22, 36, 44.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kahit panahon pa ng pandemiya sa ngayon, hindi mo dapat pagdamutan ang mga taong humingi sa iyo ng tulong. Anumang tulong ang iyong ipagkaloob  ito ay doble at siksik liglig na papalitan ng nasa itaas. Maraming magagandang kapalaran at suwerte ang ibubuhos sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 2, 7, 10, 16,  20, 28.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here