Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 21, 2018

0
680
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 21, 2018, Biyernes –  Laging mataas ang iyong ranggo sa kahit anong bagay ang mapasukan mo. Kahit saan ka pumunta laging mataas ang iyong posisyon, ang salitang “mababa” ay wala sa iyong bokabularyo at wala sa kapalaran mo. Kaya naman dahil dito, matataas din ang mga suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 18, 21, 33, 42, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi lahat ng pinapanukala at binabalak ng mga tao ay nagkakatotoo. Pero ang sa iyo ay kakaiba, magkakatotoo at matutupad lahat ng mga plinaplano mo, lalo na ang balak mong may kaugnayan sa salapi, sa pera, sa negosyo at sa materyal na mga bagay. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 3, 11, 21, 28, 34, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Yong iba dahil sa sobrang kabaitan ay nauuto at sinasamantala ng maaangas. Pero ang sa iyo ay hindi ganon, sa halip, dahil sa sobrang bait mo at may mabuting kalooban, marami ang tutulong at maniniwala sa iyo. Ang mga taong ito na naniniwala sa iyo, sa araw na ito ang sila ring  magbibgay  sa iyo ng malaking suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  7, 10,  25, 34, 40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Nagiging sobrang malalim ang iyong mga iniisip. Nagbababala ng tumataas ang antas ng iyong mentalidad. Sa sandaling narating mo ang higher level ng pagninilay, magniningning ang iyong pagkatao, na siya namang sasagap ng ibat-ibang uri ng suwerte at kapangyarihang maipamamahagi mo naman sa mga taong nangangailangan ng iyong tulong.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 13, 28, 36, 41, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magkakasunod-sunod ang pagdapo ng suwerte sa iyong katawan. Ingatan mo at pahalagahan ang mga biyayang ito. Dahil kung paano mo iniingatan at pinapahalagahan ang suwerteng iyong natatanggap, patuloy itong lalago at darami pa ng darami sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 29, 39, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bawasan ang iyong pakikipagkaibigan. Kapansin-pansing hindi nagiging tapat sa iyo ang iba, at kapag nakatalikod ka ay sinisiraan ka nila. Hindi bale ng konti ang kaibigan, bata’t maaasahan. Kaysa naman marami ka ngang kaibigan, na sila pa ang sa iyo ay madalas manloko  at manlinlang. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 7, 11, 25,  38,  41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na ang mga iniisip mo ay hindi magkakatotoo. Pero darating sa iyo ang kakaiba at hindi ka panipaniwalang mga suwerte na ni minsan ay hindi mo inisip. Dahil sa mga suwerteng ito mamamangha ka at masasabi mong totoo pala nangyayari ang mga imposibleng bagay at nagiging reayalidad ang mga himala. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 4, 17, 28, 31, 40.

 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Akala mo ba ay nauubos ang suwerte? Hindi kaya! Ang suwerte at magandang kapalaran ay nandyan lang sa tabi-tabi. Maligo ka, magsuot ng damit na maganda at masarap sa pakiramdam, at magpahid ng konting lipstick. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte ay muli na namang mag-babalik at mag-uuna-unahang dumapo sa iyong katawan.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 27, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magalit sa araw na ito, dahil ang ilang malalaking suwerte na nasa iyong tabi, kapag nagalit ka ay lalayo. Handang-handa naman itong pumasok sa iyong pagkatao at sa inyong pamilya, kung magkakaroon ka sa araw ng ito ng mapagmahal at masayahing personalidad.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 5, 18, 26, 29, 33, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kung ang iba ay naghihintay ng himala, pero nainip na sila ng kahihintay ay wala pa ring nangyayaring milagro ang sa iyong karanasan ay kakaiba. Hindi ka naman naghihintay ng himala, mamamangha ang mga nanood sa iyo at pati na rin ang sarili mo, sa isang idlap parang nanaginip lang, ang maraming suwerte at magagandang kapalaran ay bumubuhos sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  22, 29,  31, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa panahong ito na malapit na ang kapaskuhan, ikaw ang magpapasaya sa mga malalapit sa iyong puso kahit na ikaw ay nasa malayo. Alam nilang maasahan ka at hindi mo sila pababayaan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 38, 41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi ka dapat magdalawang isip at hindi ka rin dapat mag-alinlangan. Ituloy mo ang iyong binabalak. Dahil nagpasya na ang langit, aayon sa iyo ang kapalaran. Ang lahat ng binabalak mo ay matutupad at ito ay magbibigay sa yo ng dagdag pang mga suwerte at kakaibang kaligayahan.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 14,  23, 32, 40, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pinakinggan ng langit ang iyong dalangin at ang iyong kahilingan. Kaya naman humanda ka, parating na ang suwerte na iyong hinihintay, nagmamadali at nagkakandarapa pa. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 19, 20, 32, 35, 44.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here