Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 20, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 20, 2020,  Linggo  – Kakaiba at may dalang buenas ang petsa ngayon, 20-2020. Ibig sabihin, may magandang mangyayari, kung saan mag-iibayo ang iyong sigla. Palatandaang mag-iibayo din ang pagdating ng iyong suwerte at magandang kapalaran. Ipamahagi mo ito sa iba, dahil ang isa pang magandang dala-dala ng numerong 20-2020 ay habang ipinamamahagi mo sa iba ang suwerte, parang mga langgam sa natapong asukal sa mesa, ang suwerteng ito ay mabilis na darami ng darami at mapupuntang lahat sa iyo.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 2, 11, 21, 29, 33, 45. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Tuloy-tuloy ang suwerte mo. Wag mong ipagdamot sa mga malalapit sa iyo, bahaginan mo sila ng sa ganon ay masabi mismo ng mga bibig nila na ikaw ay iba sa lahat, na ikaw ay likas na mapagbigay at matulungin. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 9, 11, 27, 39, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Nalilito ka  ba sa ngayon kung ano ang talagang pangarap mo sa iyong buhay? Tapos na ang iyong pagkalito dahil isang negosyo ang ilalagay sa harap mo na ikaw ang mamamahala. Sunggaban mo agad, dahil ang negosyong ito ay mapapalago mo ng mapapalago hanggang sa ikaw ay yumaman ng yumaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  3, 6, 12, 24, 27, 39.   

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Naiinip ka ba? Hind dapat, dahil tulad ng nalaking pagbaha, aagos na ang suwerte at magandang kapalaran sa iyong  harapan, na gugulat sa mga taong malalapit sa iyo at sa mga kasama mo sa bahay. Walang kang dapat gawin kundi ang balatuhan mo silang lahat, upang magpatuloy pang dumami at lumakas ang agos ng iyong suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 14, 18, 26, 29, 32.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi puwede sa iyo ang nananamlay na para bang pasan mo ang buong mundo. Panahon na upang wakasan ang kalungkutan.  Ngayong araw na ito, dadalan ka ng suwerte at magandang kapalaran ng langit, upang muli kang sumaya at lumigaya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 2, 4, 19, 20, 29.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kung ang iba ay nagsisikap upang maabot ang kanilang mga pangarap, pero bigo pa rin sila, ang sa iyo ay kakaiba. Kahit hindi ka mag-sikap, basta lagi ka lang “in love at laging nagpapagnda”,  susuwertehin ka na at kusang darating sa iyong ang katuparan ng lahat ng iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero  1, 10, 16, 19, 22, 39.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Isang magandang kapalaran ang biglang dadapo sa iyo. Ito ay hindi mo dapat pagpagin. Dahil madaling mawawala ito at agad lilipat sa katabi mo. Panatiliin mo ang pagiging mabuti at matulungin, upang ang suwerteng ito ay manatili na sa iyo habang buhay.  Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero  4, 7, 10,  25, 28,  34. 

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Higpitan mo ang hawak ng iyong mga kamay. Hindi mo dapat pakawalan ang suwerte at magandang oportunidad na dumarating. Wag kang matakot at dapat lang na magtiwala ka sa iyong sarili, upang hindi makawala ang suwerte at magandang kapalaran na nasa iyong harapan na sa kasalukuyan.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 9, 14,  27, 32, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Ito ang araw kung kailan na ang iiral sa iyo ay awa. Tutulong ka na naman sa isang taong hindi mo naman gaanong kakilala. Magkagayon man, pinapanood ka ng nasa itaas. Sa anumang pagtulong na iyong ginagawa, may ganting suwerte at magandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo ang langit. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 4, 9, 11, 13, 25.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Higit na makapangyarihan ang damdamin mo sa mga panahong ito. Haluan mo ng lambing at patapik-tapik sa balikat ang anumang hihingin mong favor sa sinumang makakausap mo. Kapag nagawa mo yan, hindi ka nya makakayang tanggihan. Ang mga suwerte niya at magagandang kapalaran ay mapupunta sa iyo. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero  3, 5, 10, 12, 15, 36.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang nauuna kapag tumigil ay nauunahan ng nasa ikalawa. Wag kang titigil at wag kang mag-alala, nakikita ng nasa itaas ang mga pagsisikap at pagsisipag mo. Malapit na malapit na ang langit mismo ang kikilos para sa iyong pagyaman. Oo nakatakda ng yumaman ka ng ubod ng yaman. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  1, 7, 14,  25, 26, 34.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Maraming nagpupumilit at nangungulit pero hindi nila nakukuha ang gusto nila kahit na anupang pilit  ang gawin nila. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka magpumilit, kusang ipagkakaloob ng ng nasa itaas ang gusto mo. Subukan mong humiling ngayon sa langit at siguradong magkakatotoo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 4, 8, 17, 28, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang masuwerteng araw para sa iyo upang maglinis ng bahay. Pero may isang bagay na kailangan mong isagawa matapos mong magkalinis ng bahay. Panatiliin mong bukas ang bintana sa gawing silangan, upang dito pumasok ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  1, 7, 16, 17, 19, 28.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here