Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 20, 2019

0
541
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 20, 2019,  Biyernes – Kabilang ka sa mga masusuwerteng nilalang, kung saan kahit mahina ang iyong loob patuloy kang tutulungan at aalalayan ng langit. Kaya kahit ano pa ang maranasan mo ang mga suwerte ay magpapabalik-balik sa iyo. Kaya kahit na may mga pagsubok na dumating hindi ka dapat mawalan ng pag-asa, dahil ang kasunod ng mga pagsubok ay pagdating na mas malalaki pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7,  10, 19, 27, 42, 44.  

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na kinasyahan ka ng langit, kaya ito rin ang araw na   isa-isa ng matutupad ang iyong mga plano at inaambisyon sa buhay. Ang mahalaga, wag kang manghihinaan ng loob. Tuloy-tuloy mo lang ang iyong ginagawa, kahit pa may mga komokontra at humadlang sa iyo. Ang lahat ng iyan ay pansamantala lamang, kaya nga sa bndang huli ikaw pa rin ang mananaig at magtatagumpay. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1,  16, 19,  20, 37, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Bale wala sa iyo ang mga alikabok sa kalsada. Ang mga pawis ay hindi mo rin papansinin. Wala kang ibang gustong makuha kundi ang ikaw ay sumaya sa paglalakwatsa. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 10, 28, 33, 40, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kakasyahan ka ng nasa itaas, kaya sa araw na ito malaya mong magagawa ang anumang gusto mong gawin ngayon. Nagbabantay ang mga mata ng langit at hindi mananaig  ang mga karibal mo na nakalantad at maging ang mga lihim mong kaaway. Siguradong sa bandang huli, ikaw ang mananaig at magtatagumpay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 15, 23, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tuloy ang buhos ng ulan na hindi mo batid na ang mga patak ng ulan na ito ang lihim na nagpapasigla. Lumabas ka ng bahay at makikita mo maramin suwerte at magagandang kapalaran ang bubuhos sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  4, 17, 23, 26, 33, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mabilis ang pasya mo at kung minsa ay pabago-bago pa. Pero wag kang mag-alala, dahil ang ugali mong ito ay siya ring magdadala sa maraming suwerte at tagumpay sa iyong buhay.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 8, 24, 29, 36, 43.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May ilang suwerte na humahabol para sa iyo. Ito ang mga suwerteng hindi napupunta sa ilang malalapit sa iyo dahil hindi naman para sa kanila ang nasabing suwerte at hindi sila handa para dito. Kaya naman ang suwerte, ay para sa mga taong nakahanda lamang tulad mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  14,  26,  33, 39, 42.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil sa iyong pananahimik at kawalang kibo, ikaw ang mapipili ng kapalaran upang bigyan ng malaking suwerte na hindi mo inaasahan. Sa sandaling dumating na ang malaking suwerteng ito, at kung may sosobra sa mga pangangailangan mo, ipamahagi mo sa mga kapos-palad upang ang magandang kapalaran ay tuloy-tuloy na dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 19, 21, 32, 37, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) May makukuha kang suwerte sa mga kakilala mong nasa malayong lugar. Makipagugnayan ka sa kanila. Matutulungan ka nila at maaaring sa tulong nila, mas bibilis na aasenso ang iyong buhay. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 14, 18, 27, 33, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na sinasabing iwasan mo ang mga mayayabang, ang mga hangal at ang mga mangungutang dahil baka mahiraman ka na naman nila ng pera ng walang bayaran. Lumayo ka sa mga ganyang tao, dahil ipapahamak ka lang nila. Sa halip makipagkaibigan ka at lagi mong samahan silang mababait at may malinis na puso na nilalang, sila ang dagdag pang magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 8, 12, 25, 36, 41, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Bumabagal ang takbo ng iyong kapalaran dahil kailangang mong magpahinga muna, para sa marami pang bukas kung kailan magiging sobrang abala ka dahil mas maraming mas magagandang oportunidad ng pagkakaperahan ang darating na dapat mong paghandaan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 11, 27,  28,  32, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sumisikat ang Haring Araw sa silangan kaya nagkakaroon ng bagong umaga na kay ganda pero para sa iyo may araw man o wala, ayon sa kapalaran mo laging magagandang bukas ang nakalaan sa iyo. Wag kang mag-alala, kahit patuloy ang mauling panahon, patuloy din ang dating ng iyong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 4, 17, 23, 28, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Makakabangga mo ngayon ang ilan sa mga mahal mo sa buhay, pero sa bandang huli ikaw ang mananaig. Dahil hindi naman nila makakayang ikaw ay nalulungkot. At habang pinagbibigyan ka ng mga mahal mo sa buhay, patuloy ang dating sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  6, 17, 33, 39, 43, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here