Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 17, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 17, 2020,  Huwebes – Tama ang ginawa mong pagpipilit sa isang bagay na gustong-gustong mong makuha at makamit. Makikita mo, sa kapipilit mo, ibibigay din sa iyo ito ng langit, ikaw na naman ang masusunod at mananaig. Pagkatapos, malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang agad-agad at sunod-sunod na darating. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 25, 34, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang panahong magulo ang isip ng mga taong nasa paligid mo,  dahil sa pandemiyang nararanasan, na ang ilan sa kanila ay nagkakaroon ng matitinding suliranin dahil sa maling desisyon. Hindi mangyari sa iyo ito. Kumapit ka lang sa iyong likas na pandama o intuition, tiyak na matatama ka ng pasya. At sa bawat tamang desisyon, dambuhang suwerte at magagandang kapalaran ang iyong aanihin. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 9, 27, 33, 36, 39, 42. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi mo ba napapansin, na ang tipaklong ay talon ng talon. Ganon din ang gawin mo, ngayon panahon ng pandemic, kailangang magkaroon ka ng regular na eherisyo upang gumanda ang iyong kalusugan at magpatuloy ang masaya mong pamumuhay. Habang nasa kundisyon ang iyong isipan at katawan, darating ang marami pang suwerte at  magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 12, 21, 33, 39, 42. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Iwasan mong mag-isip ng mag-isip lalo na ngayong panahon ng pandemic, dahil sa kaiisip mo, pati kalungkutan ay sumasagi tuloy sa iyong isipan. Ano kaya’t sa halip na isip ang paganahin ay damdamin na lang – muli kang umibig, muli kang mag mahal, upang ang suwerte ay muli mong makamtan. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 1, 3, 6, 19, 23, 31.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Noong sinaunang panahon, labis na nagsasaya ang mga tao sa panahon bumubuhos ang ulan, nagbabadya ito ng kasaganaan. Ganon din ang mararanasan mo, sa malapit na hinaharap, kasabay ng pagbuhos ng ulan, sobrang matutuwa ka, sa pagdating ng napakaraming suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  7,  19, 20, 29, 32, 38.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Nakikipagmabutihan ang bundok sa ulap, kung kaya’t laging umuulan sa paligid ng mga kabundukan. Ganon din ang gawin mo, makipagmabutihan ka rin sa iyong mga kasama at sa mga taong umiintirga sa iyo. Sa ganyang paraan, reregaluhan ka ng langit ng mas marami pang mga suwerte at magagandang kapalaran na hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  1, 10, 15, 23, 28, 43. ©PhilippineOne.com  2020

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Umiikot ng maayos ang gulong ng tren dahil sama-sama silang nagkakaisa at nagtutulungan. Ganon din ang dapat, wag na wag kang hihiwalay sa iyong mga kaibigan, upang magtuloy-tuloy ang iyong suwerte at magandang kapalaran. Sa paglayo sa kanila, grabeng lungkot at pangungulila ang iyong matiktikman. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 14,  26, 27, 32, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Tumitilaok ang tandang pagdating ng madaling araw, bilang pasasalamat at pagbalita ng isa na namang bago at magandang umaga. Ganon din ang gawin mo, tumilaok ka sa umaga, matuto kang magpasalamat at magpuri sa mga biyayang natatanggap mo. Kapag lagi kang thankful, matutuwa ang langit, mas lalong darami ang suwerte at magagandang kapalarang ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero   6, 16, 29,  37,  42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Magaganda ang mga bulaklak sa parke at makukulay. Kailangan mong makita at madama ang ganda ng nature. Ito ang pinapagawa sa iyo ng langit ngayon, Oo, mag-relaks at samyuin ang ligaya dulot ng kalikasan. Sa ganyang paraan, mas madaling darating ang suwerte at magagnadang kapalaran. Mapalad ang kulay na lilac. Masuwerteng numero  1, 4, 7, 10,  20, 29. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi mawawalang kabuluhan ang lahat ng ginagawa mong pagsisikap. Ginagarantiyahan ng langit na matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap at kahit hindi mo pangarapin, ginagarantiyahan ding ikaw ay tiyak na yayaman. Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero  3, 6, 27, 36, 42, 44.    

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Marunong ngumiti ang kapaalaran sa mga taong nagsisikap. Ngumiti ka rin ng madalas kahit na walang namang pangyayaring nakatatawa. Makikita mo, ngingitian ka rin ng  langit, kasabay nito maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyo ay darating.  Mapalad ang kulay na aquamarine. Masuwerteng numero 4, 19, 26, 29, 35, 40. ©PhilippineOne.com  2020

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kusang namumulaklak at lumalago ang mga halaman pagkatapos ng tag-tuyot, dahil matapos ang tag-araw, bumubuhos naman ang ulan. Ganon din ang iyong tadhana, mahahawi na ang lahat ng problema at kalungkutan upang palitan ng isang aliwalas at mas maliwanag na araw.  Kasunod nito, isa-isa na uling magdaratingan ang iyong suwerte at magagandnag kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  1, 10, 19, 25, 28, 39.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bakit may sungay ang baka, gayong siya ay isa sa mga hayop na mabait? Panakot lang niya ito at ito ay babala din na hindi dapat magalit ang tulad mong mabait. Sapagkat kapag hindi ka nagagalit, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 2, 11, 16, 28, 34, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here