Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 17, 2019

0
761
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 17, 2019,  Martes – Nakaabang sa landas ng iyong buhay ang mga magagandang kapalaran dahil ang langit ay nanatiling nasa iyong harapan. Kailangan mo lang na bahagyang hawanin ang mga naghambalang na baging ng mga balakid sa iyong daraanan, pero wag kang mag-alala,  madali mo lang namang magagawa ito sa tulong ng nasa itaas. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kinalulugdan ka ngayon ng langit, hindi mo ba alam? Magsabi ka lang ng mga kailangan mo sa nasaitaas. Gaya ng nakaraan, igagawa ka ng langit ng paraan na mapasaiyo ang mga kahilingan mo.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Guguhit sa kapalaran mo ang sorbang linaw na isang nilalang na ikaw mismo ang magsasabi sa iyong sarili na siya na ang matagal mo ng pinakahihintay-hintay.  Malaki ang maitutulong niya sa iyo sa aspetong pang-emosyonal at pananalapi. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kakaiba ang buenas mo ngayon, dahil magmumula sa mga nakasamaan mo ng loob ang iyong mga suwerte. Dahil dito sila ay muling mamamangha sa magandang takbo ng iyong kapalaran na habang naglalaon ay paganda pa ng paganda, tulad din naman ng pisikal mong itsura.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Iangat mo ang ulo mo. Ibig sabihin wag mong hayaan na ikaw ay pinahihirapan ng lungkot. Ang mga kabiguan ay mga panandalian lamang sa buhay ng isang tao.  Kaya magsaya ka na ngayon upang mas madaling dumapo sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kontrolin mo ang galit at malakas na boses. Sa araw na ito may babala na may makakasamaan ka na naman ng loob. Iwasan ang mga walang kabuluhang pakikipagtalo lalo na sa mga taong mahihina ang utak at hindi marunong umintindi. Kapag wala kang nakakasamaan ng loob, parang halaman,  lalago at mamumulaklak ng todo ang magaganda mong kapalaran. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na papabor sa iyo ang mga pangyayari at ang nasa itaas. Isang salita mo lang agad na kikilos ang makapangyarihang kamay ng langit. Agad-agad matutupad ang iyong mga kahilingan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mas masuwerte ka kaysa sa iba, dahil sa araw na ito ang langit ay kusang kumikilos na alisin ka sa pangit na kalagayan at ilagay ka sa kung saan ay aangat ng todo ang iyong mabubuti at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kahanga-hanga ang araw na ito, dahil lalayo na sa iyo ngayon ang mga taong pabigat sa buhay mo. Ito ay sa kadahilanang sila mismo ay lihim na uutusan ng langit na tigilan na nila ang pagbibigay sa ‘yo ng mga problema at sama ng loob. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na hindi mo inaasahang magaganap pero totoong-totoong mangyayari na darapo sa iyong kapalaran ang sunod-sunod na mga suwerte at buenas. Magpasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng pagdamay at pagtulong sa mga kapos-palad at mga taong may espesyal na pangangailangan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw na magiging makulay ang iyong buhay. Magbabalikan sa iyo ang mga nagtampong  magagandang kapalaran at sa pagkakataong ito higit na mas marami, siksik, liglig at umaapaw ang darating sa iyo.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Susuwertehin ka ngayon. Ang mga suwerte mo ay magmumula sa mga mahal mo sa buhay. Bilang pasasalamat, ipakita mo sa kanila ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga. Magplano kayo ng sama-samang pamamasyal sa isang lugar na malapit sa nature.  Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pasasayahin ka ngayon ng iyong langit. Aalisin ang mga sanhi ng iyong kalungkutan. Pagkakalooban ka ng mga taong magbibigay sa ‘yo ng mga katuwaan at kakaibang suwerte.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here