Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Setyembre 16, 2020

Horoscope wheel chart
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 16, 2020,  Miyerkoles – Hindi salapi at materyal na bagay ang mas kailangan mo sa ngayon, kundi lakas ng loob. Kung mabubuo lamang ang iyong kursunada at tuloy-tuloy kang tatapang, hindi lang ka lang yayaman ng napakayaman, magiging sobrang maligaya ka riin sa buong buhay mo at sa love life. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang ang hilingin sa langit na ikaw ay tumapang. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 1, 4, 10, 13, 19,  28.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hindi mo dapat sayangin ang mga biyayang magaang na dumarating sa iyong mga kamay. Kapag naging masinop ka at mapagpahalaga sa mga nasa sa iyo na, magkakaroon ka ng peace of mind at pagkatapos, lalo pang darami ng darami ang iyong kayamanan.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  3, 6, 18, 24, 27,  45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kailangan mo ng saya. Kaya anumang ang tinatrabaho mo ngayon kailangang maging masaya ka. Nanonood sa iyo ang nasa itaas, kapag ginagawa mo ang mga bagay na may saya, pagkakaloob ka ng langit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na maroon. Masuwerteng numero  3, 10,  21, 28,  33, 39. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kung sadyang naiinip ka na sa ngayon at tila inaakala mong walang nangyayari sa iyong buhay kikilos ang nasa itaas, mula ngayon bibilis ng bibilis ang mga pangyayari hanggang sa mapansin mo na lang na dating ng dating ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalarang hindi mo na man hiningi, ngunit kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 5, 8, 14, 28, 32, 38.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Mula sa malayong lugar may darating sa iyo, dala niya ang susi upang ikaw ay lalo pang umunlad at magtagumpay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 13, 22, 25, 28, 34.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Suwerte ka ngayon! Sino naman ang mamalasin? E di sino pa, kundi sila na pumapangit ang buhay na nagsikontra at kumalaban sa iyo. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 1, 4, 10, 19, 22, 40.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Magiging palakuwento ka at mawiwili sa pagbahagi ng iyong karunungan. Kaya lang bihira sa mga kuwento mo at kaalaman ang mauunawaan at masasakyan ng iyong kausap. Magkaganonman ang mga maririnig sa iyo ay sobrang makamamangha at magpapasaya sa kanila.  Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 13,  26, 40,

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Sa kabila ng marami kang ginagawa pagtuunan mo pa rin ng pansin ang iyong kalusugan. Alalahanin mong ang malusog na pangatatawan at maraming pera ang tatawaging tunay na masuwerte. Panatiiin at pilitin mo na maging ganon ka, malusog na ang pangangatawan, marami pang pera!  Mapalad na kulay ang old rose. Masuwerteng numero  6, 15, 27, 33, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Magiging masuwerte at magiging malakas ka ngayon. Papaboran ka ng mga nakatataas sa iyo kaya madali mong makukuha ang iyong mga gusto. Hindi ka lang sa mga taong nakapaligid sa iyo magiging malakas, magiging malakas ka riin sa itaas. Inihahanda na ang dagdag pang suwerte at magandang kapalarang ihuhulog sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 8, 10, 17, 26, 28, 37.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa ibayong dagat o sa pag-aabroad mas madali mong matutulungan ang mga mahal mo sa buhay at ito rin ang paraan upang matupad mo ang iyong mga pangarap. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 1, 3, 9, 16, 25, 37, 41.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ang ibang tao ay nag-iisip ng matatayog at matataas na pangarap ngunit hindi naman nila ito nakakamit. Ang sa iyo ay sadyang kakaiba, idinisenyo na ng langit na maabot mo ang mataas at maluluho mong mga pangarap. Kaya naman panahon na upang mangarap at mag-ambisyon ka na ngayon ng matayog at mataas na talaga tutal naman siguradong ito ay maaabot mo.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 13, 17, 26, 29, 31. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Dapat panatag ang kalooban mo sa ngayon. Dahil may nag-aabang na suwerte sa iyo na darapo sa katawan mo kapag payapa ang iyong isip at damdamin. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  1, 7,  13, 16, 28, 40.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Taglay mo ang malikhaing kaisipan at taglay mo rin ang pagnanasa na makarating sa malalayong lugar. Kaya ikaw ay itinalaga ng langit upang makapag-abroad na iyong ikayayaman.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  5, 7,  16, 25, 34, 41.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here