Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Setyembre 14, 2018

0
563
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Setyembre 14, 2018, Biyernes –  Biyernes ngayon kaya ibinabalita ng araw na ito na sadyang magiging mapalad ka. Iiwanan mo ng milya-milya ang iyong mga kasabayan dahil ang langit mismo ang kikilos para maabot mo ang lahat ng matatayog mong mga pangarap, kabilang na rin ang pag-unlad ng kabuhayan hanggang sa yumaman ka at habang buhay na lumigaya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ikaw ay magiging masaya at ang buwenas ay panay pa rin ang dating sa iyong kapalaran. Kaya sa panahong ito ng iyong buhay wag mong kalilimutang laging magpasalamat at ibahagi sa mga kapos-palad ang ilang sobra-sobra mong suwerte at magandang kapalarang natatangap.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 8, 17, 23, 31, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Dumating na ang takdang araw at ito ay ang ngayon na kung kailan ay aani ka ng paghanga at pagkilala. Ang dating ikaw na mahina ay makikitang unti-unting nabubura, upang palitan ng malakas at puno ng liwanag na personalidad. Ibig sabihin dadapo na sa iyo ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran habang patuloy na nagniningning ang iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 17, 23, 31, 41, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Tatanggihan mo ang pakinabang na may kaugnayan sa saya at ligaya na dulot ng  pag-ibig at emosyon. Mas gugustuhin mo ang pakinabang na may kaugnayan sa materyal na mga bagay. Magkagayunman, ibibigay pa rin ng langit sa iyo ang dalawang bagay na nabanggit. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 12, 24, 31, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na pasasayahin ka ng langit kaya ang mga magtatangkang bigyan ka ng mga problema ay mapapahiya sa kanilang mga sarili. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 9, 18, 26, 31, 40, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bagamat tapos na ang iyong kaarawan, may hahabol pang regalo para sa iyo. Nagpasya na ang langit na ipadama sa iyo ang kanyang pagmamahal kaya tatangapin mo na ngayon, isa-isa ang katuparan sa mga samo’t dalangin mo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 4, 12, 21,  33, 42, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Ang araw na ito ay nangangahulugang pagbuhos ng suwerte mula sa langit at ito rin ay nangangahulugang pag-apaw din ng kasagaaan at kagalakan na tanging laan lamang para sa iyo.  Ibahagi sa kapwa ang ilang mga grasya na mapapasa kamay mo pero wag namang lahat, magtira ka ng mas marami para sa iyong pamilya.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  8, 16, 25, 28, 31, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Dapat kang maging abala sa buong araw na ito sa trabaho upang hindi makasingit ang mga problemang personal na makakaapekto sa iyong kalusugan. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 1, 16, 25, 37, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tulad ng mga bituin, kikislap ang liwanag ng suwerte sa iyong buhay sa araw na ito. At dahil nakakasilaw at malakas talaga ang liwanag ng suwerte at magandang kapalaran na mapapasa iyo, ang payo, ipamahagi mo ito sa iba, upang tuloy-tuloy kang pang suwertehin sa panahong ito ng iyong buhay na malapit na ang iyong kaarawan.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 18, 24, 30, 33, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa panahong ito na nalalapit na ang kapaskuhan, makakabahagi ka sa mga suwerteng magmumula sa langit at magiging marami at mas malalaki ang mapapasakamay mo, kaya naman ikaw ay pinapayuhan na panatiliin ang kalinisan ng iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  5, 13, 27, 31, 34, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Ginhawang pangdamdamin ang regalo sa iyo ngayon ng langit. Hindi ka makadarama ng pagod sa isip at ang iyong puso ay magpapahinga. Dahil wagas ang kapayapaan ng iyong isipan, kusang darating ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  11 ,  29, 34, 40, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag malungkot kapag hindi napapa sa iyo ang ilang mga suwerteng hinihiling mo sa langit dahil ang ipagkakaloob sa iyo sa darating na kapaskuhan  ay higit pa sa iyong inaasahan – siksik, liglig at umaapaw! Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  4, 10, 19, 28, 37, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lilipad sa paligid mo, tulad ng mga ibon na nag-aawitan ang mga suwerte. Agad mo silang dakmain, upang ang magandang kapalaran ay hindi na umalpas sa iyong harapan. Oo, bilis ang susi upang sa panahong ito ng kapaskuhan ikaw ay tuluyan ng umunlad at magtagumpay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 14, 32,  37,  39, 41

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here