Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 28, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 28, 2020,  Biyernes –  Isang napakagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit ng walang kahirap-hirap. Hintayin mo ito at malapit na malapit ng dumating. Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 9, 19, 29, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na sadyang inilaan upang uminit ng dahan-dahan ang panahon, sapagkat papasok na ang panahon ng tag-araw. Kasabay ng pagpasok ng tag-araw, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang maguunahang pumasok sa iyong buhay. I-welcome at papasukin mo silang may istima, upang lalo ka pang suwertehin. Mapalad ang kulay na apple green at pink. Masuwerte ang numerong 3, 18, 27, 33, 39 at 43.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Lahat ng bagay ay dumadaan muna sa hirap bago magtagumpay. Hindi lumaki ang isang punong kahoy sa isang araw lamang. Ganon din ang gawin mong pagsisikap. Painot-inot at dahan-dahan lamang. Wag kang maiinip, dahil nakikita ng nasa itaas ang iyong ginagawang pagsisikap, malapit ng ipagkaloob sa iyo ang malaking premyong noon mo pa hinahangad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 9, 24,  34,  40, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Aminin mo, nakakaramdam ka ng kakaibang hiwaga at hindi maipaliwanag na feeling ngayong pumapasok na ang panahon ng Kuwaresma. Ito ay isang malinaw na palatandaan na sa malapit na hinaharap ang mga malalaking suwerte ay ilalagay mismo ng langit sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 18,  34, 39, 42, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Paminsan-minsan ang tao ay hindi dapat nagpapakita ng sobrang kabaitan. Tulad ngayon, may babala na abusuhin ng ilang kakilala mo ang iyong pagiging mabait. Ikaw na naman ang laging uutusan, kakalakalin at hihingan ng favor. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6,  13,  20, 22,  31, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Masaydong abala ang isip mo sa maraming bagay. Nagbabala na puwedeng humina ang iyong kalusugan. Dahil dito ang asikasuhin mo na lang ay ang personal mong kaligayahan at ang pagpapasarap – mamasyal, gumala, magpahinga at kumain ng marami. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 12, 23, 36, 38, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bakit ka gagasta ng sobra-sobra? Dyan magsisimula ang pagbagsak ng iyong kabuhayan. Iwasan mo yan! Mula ngayon ay dapat kang masanay sa kung ano lang ang kaya ng bulsa mo, yon lang ang iyong pagkasyahin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 5, 12, 26, 33, 40, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hindi dapat magtagal ang tanong mo sa iyong sarili kung ano ang bagay na negosyo para sa iyo. Kung ano ang hilig ng isang tao, doon siya aasenso at yayaman. Kilos na, ngayon na, yon ang negosyuhin mo. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 31, 39.  

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bakit inaaksaya mo ang iyong panahon sa walang kakuwenta-kuwentang gawain? Panahon na upang ipriority mo ang iyong buhay. Ito ang tamang araw, upang gawin mo ang isang bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. At ang mabuting balita, kahit hindi mo ito matapos, ang langit ang tatapos sa mga gawaing nakabinbin. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 13, 29, 37, 42, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Punum-puno ng mga katanungan ang iyong isip. Sa trabaho, sa pakikipag-relasyon, sa kinabukasan, at maging tungkol sa pamilya at kaibigan. Wag mo na itong pakaisipan pa, darating ang araw kusa naman sa iyong ipagkakaloob ng langit ang lahat ng mga biyaya at ang lahat ng bagay na gusto mong mapasa iyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 11, 27, 36, 38, 43.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Walang silang karapatan na ikaw ay husgahan. Hindi nila alam kung ano ang dinadala mo sa kasalukuyan at kung bakit ka nagkakaganya. Kaya sa kanila isa-isang malilipat ang iyong mga suliranin, habang ang dalahin mo ay unti-unti ng gagaang at gagaang pa araw-araw hanggang sa tuluyan ng maparam. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 4, 14, 28, 32, 39, 40. 

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kapag sumasagi sa isip mo ang kalungkutan kailangang talunin mo ito. Oo kailangang mapagwagian mo ang iyong takot at magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Dapat mo itong gawin, alang-alang sa minamahal mong pamilya.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 8, 19, 19, 36, 41, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kulang ka sa kilos, kaya ayaw pang bumuhos ng todo ang dating ng iyong suwerte. Kapag sumasagi sa isipan mo ang takot at pagaalinlangan, sabihin mo sa iyong sarili: “Kaya ko ‘to!”  Pinapanood ka ng nasa itaas, kaya makakaya mo talaga ang gusto mong kayanin. At dahil tutulungan ka ng nasa itaas, pati na ang mga bagay na hindi mo dati kaya ay makakaya mo na ngayon. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 9, 19, 21, 34, 40, 44.

SHARE
Previous articleANG SIMPLENG RITUWAL UPANG MASABIK SA IYO ANG ISANG TAO
Next articleChinese Horoscope; Pebrero 28
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here