Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 27, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 27, 2020,  Huwebes – Ang kapangyarihan at ambisyon mo ay walang hanggang at ito ay nakatakda mong makamit. Ang isa pang mangyayari ang kaharian at ang kayamaman mo ay wala ring hangganan.  Sa iyo talaga ito simula’t-simula pa,  at nasa sa iyo ng pagpapasaya kung paano mo ito pakikinabangan at gagamitin. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 36, 42, 44.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang mga imposibleng bagay ay sadya at talaga namang  hindi kayang gawin ng tao. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit imposible basta’t ginusto mo ito at hiningi mo sa nasa itaas, ang langit ang gagawa ng paraan upang ang mga imposibleng bagay na hinihiling mo ay kusang mangyari at magkatotoo sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 16, 19, 27,  34,  42, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi lang materyal na tulong ang handang ipagkaloob sa iyo ng langit. Nakikisimpatsa din siya sa iyong pagkabagot  at kalungkutan. Kaya padadalan ka nya ng isang taong magpapaligaya sa iyo. Sa sandaling siya ay dumating, hindi mo siya dapat tanggihan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  7,  13,  20, 22,  30, 43. 

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Huwag kang kabahan at hindi ka dapat matakot! At hindi ka dapat na mag-alala, kakampi mo ang langit. Anuman ang iniisip mo sa kasalukuyan at inaasahan, ang nasa itaas ang maghahatid nito sa iyong harapan.  Mapalad na ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 5, 9, 15, 29, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Layuan mo ang mga taong duwag at negatibo, hindi sila makakatulong sa pinapangarap mo. Lumapit ka at dumikit sa mga taong matatapang at positibo, sila ang magbibigay sa iyo ng malaking suwerte at tagumpay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 5, 14, 28, 32, 37, 44. 

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Iihip ang hangin, at magugulat ka kasabay ng pagihip ng hanging habagat, isa-isa ng tatangayin ang iyong mga problema. Bukas-makalawa, sa sandaling tuluyan ng nawala ang lahat ng iyong mga problema,  suwerte at magagandang kapalaran naman ang magiging kapalit nito. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  1, 13, 23, 36, 38, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Instrumento ang ginagamit upang mas gumana at gumanda ang isang musika o kaya ay ang isang bagay na gusto mong gamitin. Ganon ka rin, sa araw na ito gagamitin ka ng langit upang gumanda at maayos ang kalagaya ng mga tao. Hindi ka dapat tumanggi dahil matapos mong  gawin ito maraming suwerte at mga biyaya ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 3, 12, 26, 33, 42, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Suwerte ka ngayon at patuloy na pagpapalangin ng langit. Kaya walang sinumang pupuwedeng sumalungat sa mga kagustuhan mo. Ang isang bangka na sumalungat sa alon ay nawawasak, ganon din ang sasapitin ng mga taong kokontra sa iyong  kagustuhan.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 3, 15, 27, 33, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Sa araw na ito sisinagan ka ng kakaibang bituin, kaya magagawa mong mabilis ang anumang mga bagay na binabalak mo. Ang bituing ito ay tatawaging “Katuparan”.  Ang kakaiba pa sa liwanag ng bituing ito, hindi mo lang magagawa ang mga bagay na binabalak mo, sa halip, sa panahong ito isa-isa ng matupad ang mga pangarap mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 25, 37, 41, 45.    

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  ) Lalakas ng todo ang iyong kapangyarihan. Hindi makatatanggi sa iyo kung sinomang tao ang gusto mong utusan. Hindi mahalaga kung ayaw niya ang inuutos mo sa kanya, dahil wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa kagustuhan mo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 9, 12, 34, 41, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Mahina ka ngayon, pero kaya mong lumalakas at magpumilit hanggang sa ang mga nais at ambisyon mo ay iyong makamit. Ito ang mangyayari kapag natakot kang muling dumanas ng mga dating hirap na dinanas nyo na dati. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 6, 17,  34, 39, 40, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Nakatutuwa ang kalagayan mo sa ngayon. Sa kabila na walang-wala ka nagagawa mo pa ring mamigay at tumulong. Dahil dito, kahit kailan, basta’t humiling ka lang, hindi ka pagkakaitan ng suwerte at magandang kapalaran ng langit. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 18, 27, 29, 31, 35.  

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Tatapikin ka sa balikat ng langit! Na ang ibig sabihin, yong mga dating hindi mo kaya ay kakayanin mo na ngayon. At iyong mga dating nakabinbin mong trabaho ay matatapos mo na ngayon. Pagkatapos mong maisakatuparan ang lahat ng ito sunod-sunod na suwerte ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 8, 17, 19, 36, 41, 45.

SHARE
Previous articleMga Paraan para Umasenso ang Negosyo
Next articleChinese Horoscope, Pebrero 27, 2020
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here