Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 25, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 25, 2020,  Martes – Umaawit ang ibon sa sanga at matapos niyang umawit, damarapo ang isa pang ibon at sila ay nagiging masaya. Hindi ka dapat na malungkot. Tulad ng mga ibon, umawit ka, lumipad at gumala. Kapag ganyan ka, mag-uuna-unahan ang suwerte at magandang kapalarang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 10, 28, 34, 42, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Iwasan mo ang taong kumokontra sa iyo, dahil sila ang nakahahadlang kaya hindi makapasok sa buhay mo ang  magandang kapalaran. Sa halip, maghanap ka ng mga taong umooo at sumasang-ayon lagi sa iyo. Sila ang samahan mo dahil sila ang gagamiting instrumento  ng langit upang ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy ng pumasok sa iyong buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 12, 24, 36, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Masaya ang lahat pero ikaw ay hindi gaano, dahil ang mga problema mo ay hindi pa rin nalulutas. Gusto mo bang malutas ang problema mo? Magsuot ka ng kulay na pula. Bukod sa pula mapalad din ang kulay na lilac. Masuwerteng numero 2, 11, 28, 29, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Habang hindi mo sinisimulan ang iyong balak, hindi ito magkakatotoo. Ito ang araw, upang itigil ang dati mo ng nakaugaliang, isip ng isip ng wala namang pagkilos. Ituutusan ka ngayon ng langit upang kumilos. Kumilos ka lang, madali mong  matatapos ang iyong mga balak na magdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 28, 32, 44.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi nahihirapan ang tubig sa batis, dahil sumasakay lang siya sa agos at sa alon, hanggang sa mapunta siya sa ilog. Sakyan mo lang ang agos ng mga pangyayari at ang alon ng buhay, hindi ka dapat sumalungat. Kapag sakay ka lang ng sakay sa pangyayari, dadahilin ka ng  iyong tadhana sa isang malaking suwerte at magagndang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4, 19, 25, 37, 41, 42.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Paikot-ikot lang ang buhay, dahil paiko-ikot lang ang mundo. Matutulog, magta-trabaho, kakain, gigising at matutulog uli.  Pabalik-balik lang ang lahat ng bagay. Tama ang kundisyon ng iyong isipan, kung saan ka masaya yon ang gawin mo at doon ka pumunta. Kapag lagi kang masaya, kahit sabihin pa nilang paulit-ulit lang ang mga pangyayari, may isang mamalagi sa iyo – ito ay ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 14, 27, 32, 42, 45. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May lalapit sa iyo at kahit iwasan mo lalapit pa rin ito ng lalapit sa iyo.  Sa araw na ito ang lalapit sa iyo ay ang suwrte. Pero hindi sapat na malapit lang sa iyo ang suwerte, dapat na ito ay dumikit sa iyo ng husto. Didikit sa iyo ng husto ang suwerte at hindi na aalis sa iyo kailan man, kung tutulong ka sa mga mahihirap at sa mga kapos-palad.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 18, 24, 37, 42, 45.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Dito sa mundo isang batas ng katalagahan na pangkaraniwan ng ang malakas ay nananaig. Pero ang sa iyo ay kakaiba, hindi makapananaig sa iyo ang malakas, dahil higit na makapananaig sa malakas ang maganda. Tama, ang ganda mo iyong sandata upang magapi mo ang sinumang nais mong talunin. Bukod dito, ang ganda mo rin ang aakit ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Kaya alam mo na ngayon kung ano ang dapat mong gawin – ang laging magpaganda! Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 12, 20, 34, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Akala ng iba ay sobrang dominante ka at maangas. Ang hindi nila alam, may bahagi rin sa iyong puso na maawain at mapagpatawad. Ngayon araw na ito, minsan pa, ipamalas mo ang iyong mabuting kalooban. Patawarin mo na ang sa iyo ay nagkasala at may mga pagkukulang, kahit na hindi sila humihingi ng sorry. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  2,  16,  21, 25,  33, 44. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi pa tapos ang pagdating ng suwerte sa buhay mo. Ang mga nagdaang magagandang kapalaran ay pasimulan pa lamang ng mas marami pa. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay magpatuloy, at lalo mo pang pagbutihin ang iyong ginagawa. Tuloy-tuloy kang kakasyahan ng langit kaya ang lahat ng iyong pagkilos ay magbubunga ng suwerte at ng magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 1, 19,  31, 35, 40, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Kailangan mo ng lipunan, kaya naman, inuutusan ka ngayon ng kapalaran upang makipagsosyalan.  Makipagkuwentuhan sa mga kaibigan at kung sinumang tao ang masarap kausap. Kapag ganyan ka, magsisimulang magnining ang iyong personalidad, na sasagap ng sari-saring suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 1, 14, 25, 29, 34, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Pasayahin mo ang iyong mga kaibigan sa araw na ito at ikaw ay sasaya. Ito ang pangako ng iyong kapalaran na may kalakip na gantimpala. At ang gantimpalang kalakip ng pagpapasaya mo sa iyong mga kaibigan ay ang malaking suwerte at magandang kapalarang may kaugnayan sa emosyon at materyal na bagay. Mapalad na kulay ang golden yellow.  Masuwerteng numero 7, 10,  13, 31, 40, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ikaw ang taong malayo ang mararating. Ibig sabihin hindi simpleng buhay ang sa iyo ay nakalaan. Napakayaman ng iyong imahinasyon at mataas din ang iyong pangarap. At ang mga pangarap na ito sa tulong ng langit ay madali mong maaabot at mararating. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 7,  18,  22, 34, 41, 44.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Pebrero 25
Next articlePamahiin Luha: Paalala sa mga Naiwan
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here