Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Pebrero 22, 2021

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 22, 2021, Lunes – Ang pangako ng puso ay hindi dapat suwayin. Anuman ang ipinangako mo sa iyong mga mahal sa buhay, tuparin mo. Sa ganyang paraan, patuloy na darating ang mas marami pang suwerte sa iyong buhay. Oo habang ikaw ay umiibig lalo na sa iyong mga kapamilya at sa mga taong malalapit sa puso mo, tuloy-tuloy kang papalarin sa buong taong ito ng 2021. Mapalad ang kulay na tangerine. Masuwerteng numero  4, 13,  22, 31,  34, 44. 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kung sa iba ay paisa-isang biyaya lang ang natatanggap sa iyo ay laging doble at mas marami. Ganon din ang suwerteng  darating sa iyo, hindi lang marami – parami pa ng parami bawat araw higit  lalo sa taong ito ng 2021. Upang magpatuloy ang daloy at  buhos ng iyong magandang kapalaran, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong suwerteng natatanggap.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 12, 18, 27, 33, 42.  

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi ba’t sabi mo, maligaya ka na kapag maligaya ang mga mahal mo sa buhay? Kahanga-hanga ang iyong kababaang loob at dahil dito kikilos ang mapagpalang kamay ng langit at ikaw ay huhulugan ng napakaraming suwerte at biyaya na ngayon mo lang mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang kulay na blue. Masuwerteng numero 3, 15, 21, 24, 33, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Noong dati ang akala ng iba, lapad ang mundo, saka lang nila nalaman na ito pala ay bilog. Gano din naman, hindi mo dapat ipilit ang iyong gusto at ang iyong katuwiran sa ibang tao na ayaw maniwala sa iyo. Hayaan mo sila sa kanilang paniniwala. Habang ikaw,  patuloy mo lang gawin ang alam mong tama. Sa ganyang paraan, uunlad ka ng uunlad, habang sila na hindi naniniwala sa iyo, ay  maiiwan mo ng  milya-milya sa pansitan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 12, 24, 36, 41, 45

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kapag kulimlim ang panahon, nagiging kulimlim din ang kapalaran ng iba. Ngunit ang sa iyo ay kakaiba, dahil kaibigan mo ang ulap at kakampi mo ang ulan. Kaya naman sa panahong ito na malamig ang panahon, ito ang pinaka-paborableng araw pa ra sa iyo.  Humiling ka ngayon sa langit at gaano mang kaimposible ang hiling mo ito ay agad  na ipagkakaloob sa iyo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  2, 7, 11, 20, 25, 29.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Puspusang pagpapaganda ang patuloy mong atupagin sa ngayon. Sapagkat sa katotohanan, hindi mo lang alam, lagi na naaakit ng maganda mong mukha at pananalita ang mga taong nakapaligid sa iyo. Kaya naman sa taon ding ito ng 2021, kapag napanatili mo ang iyong magandang kaanyuan, maaakit mo rin ang ibat-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 1, 10, 19,  28, 36, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Panahon na upang ilabas mo ang iyong galing. Hindi malalasahan ang masarap na pagkain kung hindi ito titikman. Ganon din ang gawin mo, kung hindi ka kikilos at kung hindi mo ipapakita ang iyong galing at kakayahan, paano mo malalasayahan ang masarap na pagtatagumapay at pagwawagi? Kumilos ka na, habang ikaw sa ngayon ay kinakasyahan ng langit, kaya’t ikaw ay tiyak na susuwertehin at magtatamo ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 41, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Itabi mo muna ang lahat ng inaakala mong pampasuwerte na nakakabit sa iyong katawan, dahil ang pinakamabisang lucky charm mo sa ngayon ay ang iyong ngiti. Ngitian mo lang ang bawat taong iyong makakaharap at makakausap. Kapag ganyan ka, nakangiting lagi at napakalambing magsalita, anuman ang ialok mo sa kanila ay tiyak na hindi nila matatanggihan. At anuman ang hilingin mo sa kanila, tiyak na ito sa iyo ay ibibigay. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 42, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Itutok mo ang iyong isip at katawan sa trabaho upang malayo ka sa mga tukso. Kung sakaling mapalapit lumapit pa rin sa iyo ang tukso, pilit na tanggihan mo ito. Ngunit kung sa dakong huli ay bumigay ka pa rin, may kakaibang ligaya at sarap kang madarama na maaaring habang buhay na pagsisihan mo. Tandaang, mas mainam ang pagpipigil kaysa sa magsisi sa bandang huli. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero  1, 8, 17, 32, 40, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mabigat ang problema ng iba. Wala silang kapera-pera at kulang din sa pagkain ng pamilya ang hawak nilang pera. Gusto rin nilang mamasyal, ngunit hanggang gusto na lang at hanggang sa mainggit na lang sa mga kapit-bahay nilang gala ng gala kung saan-saan, dahil nga kapos na kapos ang kanilang kinikita. Pero ang sa iyo ay kakaiba, ang pinoprolema mo ngayon ay kung saan magandang mamili at kung saang lugar ang magandang mamasyal. Kaya dapat lagi kang nagpapasalamat sa nasa itaas, upang magtuloy-tuloy ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero  3, 18, 27, 33, 39, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwaran ka sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong  nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at  magagandang kapalarang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 8, 17, 22,  36, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kumustahin mo ang isang tao na matagal mo ng hindi nakakausap. May magandang oportunindad siyang ibabalita sa iyo na pareho ninyong ikatutuwa at ikauunlad. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 4, 9, 13, 22, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nasobrahan yata ang iyong pananahimik dahil makikitang mas gusto mo na ikaw ay nag-iisa at walang kasama. Hindi maganda ang ganito, kaya makipagkuwentuhan ka sa isang kaibigang Virgo, siya ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero  1, 7, 13, 22, 27, 34.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here