Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 17, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 17, 2020,  Lunes – Bagamat maraming mga problema, ito ay nagpapahiwatig na mas marami rin ang mga biyaya at pagpapalang ipagkakaloob sa ‘yo ng langit kaysa sa mga pangkaniwang tao. Magalak ka at magdiwang dahil ang mga pagpapalang ito ay magsisimula at isa-isa ng magdaratingan ngayon. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  2, 14, 22, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Nakatutuwa ang araw na ito, dahil hindi lang ikaw ang masaya ngayon dahil ang mga makakasama mo ay makikitang tulad mo rin na masayang-masaya at habang kayo ay masaya, tuloy-tuloy na darating ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 9, 17, 23, 37, 39, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Hindi masasayang ang mga hirap mo at pagsisikap. Bilang gantimpala iaangat ang kalagayan mo at magkakamal ng maraming mga salapi at materyal na bagay. At ‘wag kang magtaka kung bakit sa bandang huli ay yayaman ka ng yayaman, dahil noon paman ay ganito na ang plano ng langit para sa iyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 9,  16, 19,  26, 35, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi makabubuti para sa iyo ang magmadali sa pakikipag-relasyon. Pero ang maging mabilis at nagmamadali sa mga bagay na magpapayaman sa iyo ay okey na okey.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 19, 24, 29, 34, 45.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag kang mag-alala kapag medyo bumabagal ang takbo ng iyong buhay dahil ang kahulugan lang naman nito ay kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo na paparating na.   Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 3,  18, 19, 28, 42, 45.  

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Pinagbibigyan ka lang ng karelasyon mo dahil talagang mahal na mahal ka niya. Pero sa totoo lang inaabuso mo ang pagmamahal niya sa iyo. Masyado kang dominante at palautos, at gusto mo ikaw ang laging nasusunod. Paminsan-minsan pagbigyan mo naman siya para hindi makahalata na masyado mo siyang ina-under. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 13, 18, 27, 33, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na matatala sa aklat ng kapalaran na ikaw ay masuwerte. Kaya wag na wag mong kalilimutang na magpasalamat. Bilang pasasalamat puntahan mo ang isa sa mga kamag anak mong sobrang naghihikahos sa buhay, abutan mo siya ng tulong na hindi mo dapat ipamalita. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  15,  25,  37, 39, 41.   

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Bibigyan ka ngayon ng mahiwagang proteksyon ng langit. Ang mga taong nagnanais na mapahamak ka ay mabibigo at hindi lang yan, sila ay mamalasin din, dahil sa mismong araw ng iyong pagsilang iniingatan ka na talaga  ng nasa itaas. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 4, 19, 21, 24, 37, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi mo ba alam, ikaw ang nagpapasaya sa mga tao kaya kung wala ka, malungkot ang lahat. Ipagpatuloy mo lang ang gawaing ito, sapagkat ang pagpapasaya mong ito at pagtulong sa mga tao ay gagantimpalaan ng suwerte at magagandang kapalarang hindi mo inaasahan sa malapit na hinaharap. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  3, 15, 23, 26, 32, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Takang-taka ang mga naiinggit sa iyo dahil ayon sa kanila, “ikaw na lang ba ang anak ng langit?” Takang-taka ka rin sa tinamo mong kapalaran dahil ang mga hindi mo naman talaga hiniling ay napapasakamay mo na. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 17, 21, 39, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Humingi ka ng mga payo sa iyong mga kaibigan dahil higit na kilala ka nila  kaysa sa pagkakilala mo sa iyong sarili. Sundin mo ang mga sasabihin nila dahil hindi ka nila ipapamahak. Sa halip, habang sinusunod mo sila ang suwerte at magagandang kapalaran ay tuluyan ng mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 12, 20,  28,  40, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Huwag kang papayag na hindi ka makibahagi sa pagtulong sa mga tao. Ang araw na ito ay masuwerte araw para sa ‘yo, sa pagkakawang-gawa kung saan, higit sa ibibigay mo ang ibabalik sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 5, 16, 21, 36, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagbabalita ang araw na ito na ang mga mahahalagang kahilingan mo sa langit ay mapapasa iyo na. At ang  maganda pa nito, yong mga anik-anik naman na kahilingan mo ay mapapasa iyo na rin kaya lang medyo maaantala muna. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 10, 24, 33, 40, 44.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope by Maestro Honorio Ong February 16, 2020
Next articleChinese Horoscope; Pebrero 17
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here