Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 16, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 16, 2020,  Linggo – Napapabilis ang mga kilos mo dahil natatangay ka ng iyong suwerte. Ituloy mo lang ang iyong mga ginagawa at dagdagan mo pa, habang kumikilos ka ng kumikilos, marami pang mga suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy na darating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 4, 19, 25, 28, 37, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kinasyahan ka ng langit sa araw na ito. Kaya hindi makapapanaig sa iyo ang kabiguan. Gawin mo na ngayon ang pinakamahirap na gawain na hindi mo nagawa noong mga nagdaang araw. Magugulat ka pa, dahil ito ay madali mong matatapos.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 5, 16, 28, 32, 41, 43.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Nasasarapan ka bang mag-isa? Ayaw mo na ba sa mga kaibigan mo? Nagkakamali ka!  Maganda pa rin ang may mga nakakuwentuhan dahil ang mga kaibigan sa bandang huli ang magliligtas sa iyo at magbibigay ng suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  1, 17, 28, 39, 41, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Napansin mo ba sa araw na ito kung sino ang hindi mo gusto sa kanila pa nagmumula ang iyong mga suwerte. Gayundin sa inaakala mong pangit na pangyayari ay may mas malaking suwerte at magandang kapalaran kang makukuha. Basta wag ka lang maging mareklamo at iwasan mo ring mag isip ng mga negatibong bagay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 10, 25, 35, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi mo dapat isipin ang mga pagkukulang ng iyong mahal. Maganda na ang alalahanin mo ngayon ay ang matatamis at maliligayang araw na inyong pinagsaluhan. Tuwing maaalala nyo iyon, magagandang kapalaran at suwerte ang hahatag sa inyong harapan.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 12, 24,  28,  40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Wala kang pakialam kung tuwid man ang daan o gaanong mang paghihirap ang sa iyo ay nakalaan. Ang alam mo lang, kaya mong lagpasan ang mga pagsubok, dahil noon paman ang kapalaran mo ay idinesenyo na ng langit para sa isang malaking tagumpay na nararamdaman mo na sa ngayon. Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 9, 17, 23, 36, 39, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tama ang iyong pasya, tulungan mo ang iyong isang kapamilya. Tutulungan ka rin niya sa mga araw na ikaw ay gipit at may mabigat na problema. Tandaan mong ang pamilyang nagtutulungan ay laging pagpapalain ng langit at hindi na magtatagal bubuhos din ang mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 7, 13, 18, 22, 26, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Takot sa ‘yo ang mga nakakabangga mo dahil hindi ka nila kaya. Ang ibang mangangahas ay ganundin ang aabutin, laging sila ay talo at ikaw ay panalo. Bukod kasi sa suwerte at magagandang kapalaran ikaw din ay sadyang pinagkalooban ng langit ng bendisyon na ang panalo ay laging mapapasa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 19, 24, 33, 41, 45.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ngayon pa lang ay nagsisimula ng maging kulay berde ang iyong kapalaran. Ang ibig sabihin ng berde, ay malalaking halaga ng salapi na magmumula sa ibang bansa at maging sa ating bansa. Darating na sa iyong mga kamay ang maraming-maraming pera, na ang dapat imbis na gastusin mo ng gastusin ay ipunin mo ito ng ipunin upang masimulan mo na ang pagpapayaman. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  3, 15, 22, 26, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Pamumuno! Ito ang utos sa ‘yo ng iyong kapalaran. Kaya ikaw  ay may mga tauhan hababambuhay. Mahalin mo sila dahil sila rin ang magpapayaman sa iyo. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 9,  16, 19,  22, 31, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) May ilan sa mga mahalagang tao sa buhay mo ang kokontra sa iyong diskarte at mga pagpapasya. Hidi ka dapat sumunod sa kanila, ang mas dapat ay magpatuloy ka.  Dahil ang pasya at ang diskarte mong ito ay patungo sa malaking suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 3,  18, 27, 32, 42, 45.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Katamaran! Ito ngayon ang pinakamalupit mong kalaban. Kailangang magkaroon ka ng bagong pangarap at nang bagong mamahalin nang sa gayon ay magpatuloy ang ningas ng iyong pagsisikap. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  15,  23,  37, 39, 41.   

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sundin mo lang kung ano ang gusto ng iyong karelasyon. Wala ka namang magagawa para siya ay tanggihan. Ganyan na ang iyong kapalaran hanggang sa siya ay nasa iyong buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  2, 14, 16, 26, 35,  43.

SHARE
Previous articleKulay Asul Na Paruparo Sa Panaginip
Next articleChinese Horoscope; Pebrero 16
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here