Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 14, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 14, 2020,  Biyernes – Ito ang araw na ilalapit sa ‘yo ng langit ang suwerte at masarap na romansa. Hindi ito magkukulang bagkus, magiging sobra pa ito sa iyong pangangailangan, kaya anong sarap at ligaya angiyong mararamdaman!. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  17,  28,  37, 40, 41.   

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kailangang lagyan mo ng pag-ibig at emosyon ang araw na ito, haluan mo na rin ng haplos, lambing, init at romansa. Kapag ganyan ka biglang magniningning ang iyong paligid, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay agad-agad na mapapasa iyo.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  2, 15, 23, 26, 34, 40.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Gusto mong tulungang ang mga nangangailangan pero limitado lang ang iyong kakayayahan. Narinig ng langit ang hangad ng ito ng iyong puso, mula sa araw na ito pagkakalooban ka ng mga biyayang higit sa pangangailangan mo upang matulungan mo na sila. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 12, 22, 33, 40, 44.    

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Susuwertehin ka ngayon kaya gawin mo ang nararapat na ikinikilos ng taong kabilang sa mapapalad na nilalang. Gawin mo ng mabilis ang anumang ginagawa mo! Ngayon na, nang hindi ka manghinayang! Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 8,  17, 25, 32, 42, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kaya hindi ka gaanong pinapalad, may pagaalinlangan ka sa iyong sarili. Alisin mo ang pagaalinlangan, magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Kapag nagawa mo yan, parang agos ng nababasang babae, raragasa ng mabilis ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 15, 24, 23, 34, 40, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Sino ang binato ng mga salitang hindi maganda at ng mga paninira, pero ang ibinato sa kanya ay nagbalikan sa namabato sa kanya? Ikaw! Dahil hindi ka magagapi ninuno man, dahil sa anumang labanan ang pagwawagi ay laging mapapasa iyo.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 10, 21, 27, 41, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bigyang laya ang iyong sarili dahil sa sobrang tutok ka sa trabaho. Masmayal ka at subukan mong yayain ang isang nilalang na matagal ka ng may pagnanasa. Oo magugulat ka, bigla siyang sasama at mairaraos nyong dalawa  ang ubod sarap na ligaya at romansa, na kapwa nyo maiisip na dalawa, sana maulit muli, dahil bitin pa. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 13, 18, 21, 27, 39.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ilabas mo sa araw na ito ang kahit kalahati ng tunay mong galing at lakas upang ito ay madama ng iyong minamahal. Kapag ginawa mo ito, sasarap ng gusto ang inyong relasyon at pagmamahalan. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 12, 23, 27,  33, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bibigyan ka ngayon ng pagkakataong matupad ang pangarap mong makapag-abroad. Kaya huwag kang magalinlangan at huwag ka ring matakot. Ikaw ay susuwertehin sa ibang bansa. At kung nasa abroad ka na, pagbutihin mo, dahil dyan sa malayong lupain na kinasadlakan mo, dyan ka yayaman. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 12, 21, 32, 37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Malungkot ka ba dahil sa materyal na bagay? Mawawala ang iyong kalungkutan dahil bibigyan ka ng langit ng pagkakataong kumita ng malaking halaga. Kaya wala kang dapat gawin kundi sunggaban ng sunggaban ang mga oportunidad ng pagkakaperhan na darating ng darating sa iyo at pagkatapos dapat kang magipon ng mag-ipon ng matupad na ang kapalarang nakadisenyo sa iyo – ang yumaman! Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 7, 14, 23,  34,  42, 40.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Nakalag na ang tali ng kawalang kalayaan mo. Kaya magagawa mo ng mabilis ang lahat ng iyong mga plano para sa personal mong kaligayahan at sa tuloy-tuloy na pag-asenso. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4,  11, 19,  22, 32, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaibang suwerte ang dadapo sa iyo ngayon dahil ang mga hindi mo gusto pero magpapaganda pa rin sa kapalaran mo ay mapapasa iyo. At pati na rin ang mga gusto mo ay mapapa sa iyo pa rin. Ibig sabihin sobrang suwerte mo sa mga panahong ito kaya dapat patuloy kang magpasalamat sa nasa itaas.   Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 3, 19, 28, 31, 39, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Bawat taong mapaligaya mo at bawat taong natulungan mo, inililista ng langit sa Aklat ng Kapalaran na may katapat na gantimpala para sa ‘yo.  Kaya hindi masasayang ang iyong mga kabutihan at pagtulong sa kapwa. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 14, 19, 27, 33, 41, 45.

SHARE
Previous articleANG ‘RIVER OF FIVE COLORS’ SA COLOMBIA
Next articleMGA ANGHEL NA MAAARING TAWAGIN UPANG MAGING MASAGANA ANG KABUHAYAN AT PANANALAPI
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here