Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 13, 2020

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 13, 2020,  Huwebes – Kakaiba ang sigla na iyong madarama ngayon at upang pakinabangan mo ng husto ang payo ay nagsasabing gamitin mo ito sa iyong mahal sa buhay upang mabigyan mo rin siya ng sarap at kakaibang ligaya.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 13, 18, 21, 27, 39.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Sa mdaling araw na ang hamog ay laganap, kusang hinahagkan ng tubig ang mga dahon sa parang kung kaya’t ang dahon ay nababasa. Ganon din ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa darating na mga araw, babasain ka sa sarap at tuloy-tuloy na darating sa iyo ang kakaibang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  6, 12, 23, 27,  33, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Gaganda ang kapalaran ng mga mahal mo sa buhay dahil makakabahagi sila sa mga suwerteng mapapasa iyong mga kamay. Magkagayon man, wag mong hayaang manatili at mahirati na lang sila sa iyong umaasa at hindi na nagsisikap sa ganang kanilang sarili kailaman. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 10, 21, 27, 41, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Makakasama mo mismo ang iyong suwerte at siya na suwerte mo sa buhay ay siya rin ang pag-ibig mo. Mula ngayon, mabubuo ang isang pagmamahalang kaiinggitan ng marami. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 34, 40, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na kung kailan ay sasagutin na ng langit ang hiling mo na matagpuan mo na ang taong para sa iyo. Makakaharap mo siya, di sa ibang araw kundi ngayon na. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 4, 19, 27, 33, 41, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ibibilang ang iyong pangalan sa listahan ng mga tatanggap ng mga suwerte sa buhay mula sa pangingibang bansa. Kaya lakasan mo ang iyong loob at mag-abroad ka. Kung nasa abroad ka na naman, tuloy-tuloy kang aasenso at magkakaroon ng mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 7, 14, 23,  34,  40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na kakaibang sigla ang sa saiyo. Mapupuno ka ng pag-ibig at pagnanasa. Ibahagi mo sa iba lalo na sa isang nilalang na matagal ng umaasa na ikaw at siya ay magkakasalo sa isang kapanapanabik at mainit na sandali. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 4,  11, 19,  22, 32, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mababawasan ang ilang nasa sa iyo na, pero hindi ka dapat malungkot at manghinayang dahil ang katulad ng kapalaran mong ito ay parang talbos ng kamote, lalong lumalago ang mga dahon at usbong habang natatalbusan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  2,  17,  28,  37, 40, 41.    

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag ng magbigay ng komento sa maling ginagawa ng mahal mo. Maiisip na naman niyang sunod-sunuran lang siya sa iyo. Sa halip,  kahit mali sa palagay mo at sa akala mo ang ginagawa nya, magparaya ka muna  tutal Araw na ng mga Puso bukas, kaya hayaan mong siya naman ang masunod at umibabaw. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  2, 15, 23, 26, 34, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa araw na ito katatagan ng pagkatao ang makikita sa ‘yo ng mga nasa paligid mo, dahil dito gagawin ka nilang huwaran at ikaw din ang magpapalakas ng loob sa mga taong mahihina ang loob at sa mga naduduwag.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 12, 25, 32, 37, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Biglaang magbabago ang ihip ng hangin sa iyong kapalaran. Hindi mo na madarama at makikita ang mga nagbigay sa ‘yo ng sama ng loob sa halip, ang magsisilapit at darating sa iyo ngayon ay silang mga taong magbibigay sa iyo ng saya, ng sarao at ng ligaya.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero 3, 19, 28, 31, 39, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw  na yayain ka ng mga kaibigan mo na gumimick. Huwag kang tatanggi dahil sa iyong pupuntahan ay makakaharap mo ang iyong magagandang kapalaran na may kaugnayan sa pag-ibig at romansa. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 12, 22, 33, 40, 44.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Huwag kang hihinto hanggang ang itinakdang kaganapan ng iyong pinakamalaking pangarap ay mapasa iyong mga kamay. Ito ang tamang araw na kung kailan dapat na makita ng langit ang iyong pagpupumilit at pagpupursigi.  Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 8,  18, 25, 32, 42, 43.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Pebrero 13
Next articleANG MAKAPANGYARIHANG PANALANGIN UPANG MAGKAROON NG MGA FINANCIAL BLESSING
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here