Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Pebrero 12, 2021

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Pebrero 12, 2021, Biyernes  – Magara ang kapalaran mo ngayon maraming suwerte ang kusang mahuhulog sa langit. Kaya nga sa panahong ito, isang tiktok  lang, ang suwerte at magandang kapalaran ay hindi mauubos at isa-isa mo ng pupulutin sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang magenta.  Masuwerteng numero 3, 15, 19, 29, 33, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na magniningning ang mga bituin sa iyong kapalaran. Darating na ang malaking suwerte at magandang kapalaran kaloob sa iyo ng langit na noon mo pa hinihintay. Tunay ngang dapat kang magpasalamat dahil sobra-sobra at sadyang napakaraming biyaya ang darating ngayong panahon ng Metal Ox. Kaya naman kapag sumobra sa iyong pangangailangan, ipamudmod mo ito sa mga kakilala mong nangangailangan. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 9, 12, 27, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Isang batas ng kalikasan na hindi lang lakas ang nagbibigay ng tagumpay, kundi pati na rin ang isip. Pero ang sa ‘yo ay kakaiba, magpa-seksi at magpaganda ka lang, kahit hindi mo gamitin ang iyong lakas at isip, darating sa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 6, 16, 25, 27, 32, 45.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ang saya ay nakakaaakit ng suwerte at magandang kapalaran. Inuutusan ka ngayon ng langit na magsaya. Gawin mo na agad, upang suwertehin ka! Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  5, 13, 25, 32, 37, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Naiinip ka at sobra ang iyong pagkainip. Nakita ng langit ang iyong kalagayan, kaya mabilis na ibibigay sa iyo ang katuparan ng iyong pinakagusto sa buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero  7, 14, 19, 25, 34, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Ang ganda ay natural na sa iyo kaya naman bukod sa ikaw mismo ang maganda, lagi kang namimili ng mga bagay na magaganda. Pero ang hindi mo alam, dahil mahilig kang pumili ng maganda, habang buhay ng mananatili ring maganda ng iyong kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  1, 10, 19, 27, 34, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kapag panahon ng tag-lamig, nagpapahinga ang mga hayop sa kagubatan. At kapag panahon ng tag-init at tag-sibol masaya silang naglalabasan. Lumabas ka ng bahay, dahil panahon ngayon ng suwerte at tag-sibol sa iyong kapalaran.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 14, 23, 32, 36, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23)  Malapit na ang araw ng mga puso. Tulad ng dati pag-ibig at romansa ang kailangan mo, dahil kapag nawalan ka nito, tatamlay ang iyong isipan at pati na rin ang iyong  kapalaran ay mawawalan ng kasiglahan. Kaya ang payo, alisin mo ang galit sa puso mo, at hayaang ang tanging tumubo dito ay ang pag-ibig at pagmamahal. Kapag nagawa mo yan, patuloy kang umiibig at nagmamahal, tuloy-tuloy na darating sa iyo ang maganadang kapalaran sa buong taong ito ng 2021. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero  6, 15,  24, 28, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Maraming natututunan ang tao sa kabiguan. Kaya hindi ka dapat matakot o malungkot na mabigo. Dahil sa mga natutunan mo darating ang saktong panahong, puro tagumpay at ligaya ang dadapo sa iyong pagkatao.  Mapalad na kulay ang peach. Masuwerteng numero 2, 7, 10, 28, 34, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi ka bibiguin ng kapalaran. Kung ano ang pinakamalaking mong ambisyon, ipagkakaloob sa ‘yo. At kapag nakamit mo na ang malaking ambisyon na noon mo pa gustong-gustong makamit, tatawagin ang sarili mo, bilang isang tagumpay at maligayang nilalang.  Mapalad ang kulay na violet. Masuwerteng numero 6, 9, 21, 24, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa panahong ito ng iyong buhay hindi ka dapat mag-madali, sa halip, i-priority mo pa ring lagi ang iyong kalusugan. Ang totoo magmadali ka man o hindi, ang suwerte at magandang kapalaran ay talaga namang darating sapagkat ito ay matagal ng inilaan na sa iyo ng langit.  Mapalad na kulay ang gray.  Masuwerteng numero 5, 9, 24, 33, 36, 42.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ngayon ang araw na pagtatangkaan mong dayain ang kapalaran, pero nakapagtatakang susuwertehin ka pa rin. At ang suwerte mo ay tuloy-tuloy hanggang sa maisip mong kahit papaano patuloy ka pa rin pa lang pinagpapala ng langit. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 14, 19, 25, 38, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Aangat na naman sa isa pang level ang iyong tagumpay. Ibig sabihin namumunga na ang lahat ng iyong mga pagsisikap. Kaunting tipid at kaunting sipag pa, malapit na malapit ng lumago ng husto ang iyong kabuhayan hanggang sa ikaw ay tuluyan na ring yumaman. Mapalad na kulay ang aquamarine. Masuwerteng numero  7, 19, 22, 25, 34, 43.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here