Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebero 24, 2019

0
295
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Pebrero 24, 2019, Linggo  –  Maganda ang araw na ito kaya naman paganda rin ng paganda ang iyong kapalaran at habang lumalapit ang tag-araw lalo pang gaganda ang iyong kapalaran.  Oo, kahit na may ilang mga suliranin sa kasalukuyan, umasa kang madali mo lang itong masusulosyunan hanggang sa tuluyan ng maparam ang lahat ng problema upang palitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 17, 26,  33,  42, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Naniniwala ka ba sa paraiso? Dapat lang na maniwala ka, dahil ngayon ay mararanasan mo ang buhay na walang gutom, walang problema, masagana at masarap. May bonus pang maligayang pag-ibig at pakikipag-relasyon. Ang lahat ng ito dahil sa taglay mong kabutihan ng loob ay isa-isa ng ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayon. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero ang 1, 7, 23, 25, 34, at 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Kapag nanariwa ang mga halaman, may mga dahong uusbong pero may mga dahon ding mahuhulog. Ganyan din ang mangyayari. May mga suliraning darating, pero masosolusyunan mo agad, at pagkatapos ng mga balakid at suliranin, puro suwerte at magagandang kapalaran na ang uusbong at maguuna-unahang dumating. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  1, 10, 16, 25, 34, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi payo ang iyong kailangan! Hindi mo rin kailangan ang kaibigan! At lalong hindi mo rin kailangan ang kalinga! Kung ganon, ano talaga ang iyong kailangan? Pera! Oo maraming-maraming pera! Ito ang magbibigay sa iyo ng tunay na saya at tagumpay. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  4, 17, 24, 36, 40, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi lang ganda ang taglay ng isang bulaklak, bagkus may nektar pa sa loob ng kanyang talulot. Ganon din ang kapangyarihan mo ngayon, hindi lang ganda, bagkus may mabuti kang ugali at busilak na puso. Ito ang propteksyon mo kung bakit hindi ka tinatablan ng kamalasan. Ang lahat ng naiingit sa iyo at mga naninira, ang silang mamalasin. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 4, 15, 24, 29, 34, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Gagana ang isang pormula sa araw na ito kung paano ka makakaakit ng mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Habang nakikipag-usap ka titigan mo sa pagitan ng dalawang mata ang iyong kaharap  at ibulong ang katagang: “Mapapasunod kita!”  Anuman ang hilingin mo sa kanya ay tiyak na ipagkakaloob niya ito sa iyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 14, 28, 32, 42, 45. 

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May mga taong sinusuwerte kahit walang ginagawa. Mangyayari  rin sana sa iyo ito, kaya lang likas kang masipag, at hindi sa iyo puwede ang walang ginagawa.  Kaya naman, iyong ibang sinusuwerte ng walang ginagawa, maliit lang ang suwerte nila,  ang sa iyo ay sobrang laki at dambuhala talaga. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  8, 13, 24, 37, 41, 45.    

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Iniisip mong mamili at magshopping na naman, ang problema, iniisip mo rin kung saan, kukuha ng pera. Wag kang mag-alala, may lihim na nanonood sa  mga iniisip mo. Sa malapit na hinaharap, kikilos ang langit.  Bigla kang makakatanggap ng malaking halaga ng salapi, sapat upang mawala na ang mga agam-agam at hanggang sa tuluyang mabili mo na ang mga bagay na gusto mong bilhin. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  4, 10,  21, 31,  33, 44. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ang gusto mong gawin, gawin mo. Hindi ka pupuwedeng patuloy na nabubuhay ng dahil sa mga kagustuhan ng ibang tao. Isinilang ka, para ikaw ang masunod. Oo, isinilang ka upang ikaw ang mamuno at isinilang ka upang ikaw ang mag-utos. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 9, 27, 37, 41, 42.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi ka pupuwedeng mamalagi na lang sa loob ng bahay. Hindi ganyang buhay ang dinisenyo sa iyo ng tadhana. Puntahan mo ang isang kaibigan, siya ang magbibigay sa iyo ng bagong sigla, ng buenas at ng magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 44.  

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kapag lumambot ang tsokolate  ito ay natutunaw. Hindi dapat lumambot ang iyong desisyon. Kung ano ang noon mo pa pangarap at gustong gawin, gawin mo agad kahit na may kumokontra. Dumating na ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang iyong tagumpay.  Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 1, 18,  29, 32, 40, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Umaawit ang ibon sa sanga at matapos niyang umawit, damarapo ang isa pang ibon at sila ay nagiging masaya. Hindi ka dapat na malungkot. Tulad ng mga ibon, umawit ka, lumipad at gumala. Kapag ganyan ka, mag-uuna-unahan ang suwerte at magandang kapalarang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 7, 10, 28, 34, 42, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Lumalaki at lumiliit ang tubig sa ilog, lumalaki at lumiliit din ang buwan sa langit. Hindi puwedeng puro malaki, dapat nagbabawas din. Lingapin mo ngayon ang mga taong naghihirap, yong mga walang tumutulong at sobrang nangangailangan. Tulungan mo sila, matapos mong tumulong,  bubuenasin ka. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 12, 15, 34, 39, 42.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here