Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 31, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 31, 2020, Sabado  –  Kahit saan ka magpunta hinihintay at sinusundan ka ng suwerte. Pero hindi ka naman dapat umalis sa kasaluyan mong kinalalagyan, dahil sa ngayon patuloy kang gagabayan at babantayan ng magagandan mong kapalaran kaya sa araw na ito dating ng dating sa iyo ang suwerte at maliligayang karanasan. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 4, 13, 28, 33, 35, 41.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ngayon panahon ng pandemiya, inaasahan ng mga kaibigan mo at kakilala na makatutulong ka at mabibigyan mo sila ng tulong at personal mong ayuda. Malaki ang pagtingin at tiwala nila sa iyo. Kung anuman ang meron ka ipagkaloob mo, dahil kung anuman ang ibinabahagi mo sa iba, siksik-liglig at dobleng biyaya ang igaganti sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 3, 14, 18, 21, 33, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Wag kang papayag na maghari sa iyo ang mga negatibong pananaw. Balikan mo ang mga nakaraan mong tagumpay. Kapag iginugupo ka ng pag-sisintir at matinding kalungkutan, bigkasin mong paulit-ulit ang nakaukit na sa singsing ng hari: “Ito man’y lilipas din!”  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 6, 16, 19, 22, 24, 43.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ito ang araw na dapat mong hanapin ang mga bagay na puwede mo pang baguhin sa buhay mo ng sa ganon, bumilis ang iyong pag-asenso. Sa anumang pagbabago na iyong ipatutupad, dagdag suwerte at magandang kapalaran ang iyon matatanggap. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero 7, 13, 16, 28, 34, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang tagumpay ay mapapasa iyo kung hindi ka mag-aalinlangan. Ang pag-aalinlangan ay nagsasabing mabibigo ka na naman. Kailan mo ba bubuuin ang tiwala mo sa iyong sarili? Buuin mo na ngayon, upang tuloy-tuloy ka ng suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  1, 16, 22, 25, 29, 32.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Dagdag biyaya ang darating ngayon. Ito ang tawag sa mga suwerteng hindi mo naman inaasahan. Ang mga suwerteng hindi mo naman gaanong kailangan ay ihahagis sa iyong ng kapalaran. Sa ganitong sitwasyon, matututo kang magbahagi sa iba at mamigay. Mapalad ang kulay na orange Masuwerteng numero 1, 7, 19, 22, 24, 28.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na malaya mong magagawa ang anumang gusto mong gawin. Dahil ang mismong langit ang nasa iyong harapan at siya ang makakalaban ng sinumang ko kokontra sa iyong mga kagustuhan.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 5, 18, 23, 26, 34, 35.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mahina ka ngayon dahil ang damdamin ang iiral sa iyo. Pero malakas ka rin, dahil ang damdamin mo ang magpapalambot ng mga makakaharap mong may matigas na kalooban. Silang may matigas na kalooban, ang mag-aabot sa iyo ng malalaki at mas maraming mga suwerteng ngayon mo lang matitikman at mararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad na kulay ang  pink. Masuwerteng numero 3, 12, 21, 24, 27, 39.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)  Nakita ng nasa itaas ang iyong kalungkutan at pangangailangan. Kahit hindi ka kumikibo, unti-unti ng papawiin ng langit ang iyong mga suliranin. Magiging masaya ka na at makakasumpong ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ngayong papasok na ang  buwan ng Nobyembre tagos hanggang sa panahon ng kapaskuhan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 2, 7, 11, 19, 31, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Hindi ka pa maaawat sa iyong paglipad dahil sa dami ng gusto mong marating, maabot at puntahan. Mula ngayon ikaw ay hahayaan ng nasa itaas na hanapin ang iyong kaligayahan, kaya naman lahat ng gusto mong maabot at marating ay isa-isa ng ipatitikim sa iyo ng langiti. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 6, 9, 15, 27, 33, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi ka bibiguin ng langit sa mga hinihiling mo. Hindi mo rin dapat biguin ang langit sa ipagagawa sa iyo. Tulungan mo ang mga taong malalapit sa iyo na labis na naghihikahos sa buhay sa kasalukuyan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 1, 4, 19, 22, 25, 34.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Matutupad ang lahat ng pangarap mo kahit imposible. Sapagkat  itinakda na ng langit na ang mga bagay na imposible ang talagang mangyayari sa tadhana mo. Mapalad na kulay ang beige. Masuwerteng numero 1, 13, 17, 22, 28, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magaling kang magpayo sa iba. Kaya ang pinapagawa sa iyo ng langit ngayon ay payuhan mo ang sarili mo. Upang palarin at suwertehin ka ipayo mo sa sarili mo na pasunurin ang sarili niya at ang ikalawang payo, ikilos mo ang lahat ng magagandang mo ng mga balak at ipatupad ang matagal ng proyekto na nasa iisip mo, ngayon na! Mapalad na kulay ang silver.  Masuwerteng numero  5, 7, 12, 18, 29,  41

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here