Online Horoscope ni Maestro Honorio Ong, Oktubre 30, 2020

Horoscope wheel chart

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Oktubre 30, 2020, Biyernes  – Hindi lang materyal na bagay ang ibibigay sa iyo ng nasa itaas, kundi reregaluhan ka rin ng kakaibang ligaya, sarap at suwerte na ngayon mo lang matatanggap sa tanang buhay mo. Mangyayari lamang kung patatawarin mo na ang isang kaibigan na nagkasala sa iyo at wag ka na uling magkakalat ng paninira sa iyong kapwa. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 6, 9, 12, 27, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang iba ay sumusuko kapag napapagod at ang iba naman ay madaling mawalang ng pag-asa. Pero ang sa iyo ay kakaiba, habang napapagod ka at sinusubok ng kapalaran, lalo kang magpipilit at magpapatuloy.  Ang determinasyon mong ito ay gagantimpaalaan ng langit, magiibayo pang lalo ang dating ng iyong suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero  9,  12,  21, 30,  33, 43. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Marami ang hahanga sa kasipagan mo at kabaitan. Ang isa sa kanila ay maghahangad na ikaw ay makasama. Hindi siya ganon kagandahan, pero mapagtiis siya, malambing at katulad mo ring mabait. Hihintayin ka niya hanggang sa pumayag ka. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 6, 12, 24, 29, 30.  

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Makikipagtagisan ka ng talino sa isang makakatalo mo. Pero hindi dapat na maging matagal ang inyong pagtatalo, dahil masyadong bababa ang iyong pagkatao.  Oo, hindi mo sila ka-level, dahil mas matalino ka sa kanila. Kaya sa susunod wag ka ng makikipagtalo sa mga taong mababa ang mentalidad dahil masasayang lang ang iyong enerhiya  at panahon. Mapalad ang kulay ang silver. Masuwerteng numero  4, 14, 19, 23, 33, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ipakita mo ngayon na may paninindigan ka at malakas ang iyong loob. Ituloy mo lang ang isang proyektong alam mo namang  tama at wag kang pumayag na hindi ang gusto mo ang matutupad. Gawin mo ngayon sapagkat pinapatnubayan ka ng langit, tiyak na ang iyong panalo at pagwawagi. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 7, 16, 28, 22, 38, 41.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Bawasan mo ang iyong labis na kagandahan, dahil marami ang naiinggit sa iyo. Hindi mo napapansin, may mga lihim ka ng kaaway. Ang problema nga lamang nila, kahit bawasan mo pa ang iyong kagandahan lulutang at lulutang pa rin sa iyong personalidad ang taglay mong likas na mapang-akit. Wala talaga silang magagawa, hanggang sa manggalaiti na lang sila sa inggit, dahil bukod sa ganda pinagkalooban ka rin ng langit ng ibat-ibang uri ng suwerte at magagadang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 19, 32, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Kung nasaan ka, naroon din ang saya at ligaya. Kung saan, wala ka, naroon naman ang lungkot at kawalang pag-asa. Dala-dala mo ngayon ang liwanag na nagbibigay ng ginhawa sa iyong kapwa. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 7, 5, 14,  25, 39, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hinog na ang mga bunga ng mga halaman sa hardin ng iyong kapalaran. Aanihin na lang ang suwerte at magagandang kapalarang naghihintay na upang iyong pitasin at mapakinabangan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 18, 33, 36, 45. 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang iba ay sinusuwerte dahil nagsisikap at nagsisipag. Pero ikaw kahit hindi ka magsikap at hahit hindi ka magsipag, basta’t magpaganda ka lang at magsuot ng kulay na pink o kaya’y red, ang suwerte at magandang kapalaran ay kusa na sa iyong didikit at lalapit. Mapalad na ang kulay red at pink. Masuwerteng numero 6, 12, 18, 21, 27, 33.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Mataas ang iyong mga pangarap. Magkagayunman, ipinapangako ng iyong kapalaran na mapapasa iyo ang mga ito. Ipanatag ang iyong kalooban at ‘wag mong intidihin ang mga naiinggit at mga nangiintriga sa iyo. Mamamangha sila, malayong-malayo na ang agwat mo sa kanila.  Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 3, 8, 19, 27, 33, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sa biglang tingin, masarap ang simpleng buhay lamang. Hindi gaanong mayaman at hindi rin gaanong mahirap. Ngunit wala sa dalawang ito ang magiging buhay mo, dahil itinakda ka para mamuhay ng alta-siyudad at yumaman  ng hindi lang mayaman, kundi ubod ng yaman. Mapalad ang kulay na gold Masuwerteng numero 8, 16, 27, 31, 39, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay ang pagbabago. Magbabago ang career mo at kalagayan sa buhay, at ang mga pagbabagong magaganap ay patungo sa pag-unlad. Upang magtuloy-tuloy ang pasok ng suwerte at magagandang kapalaran, bayaran mo ang mga taong pinagkakautangan mo ng loob at ng salapi. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero  2, 4, 7, 13, 28, 31.    

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kahit gaano pa kalakas ang bagyo na dumating, hindi ito mananatili sa kalawakan. Katulad ng pandemiya na dala ng Covid 19, unti-unti ng nalalaos at naglalaho. Ang lahat ng iyong suliranin at problema ay mawawala na rin upang palitan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 28, 34, 41

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here